Miguel POV Lumipas ang isang oras. Tuluyan ng nawalan ng tao ang libingan ni Lhira. Nag-alisan na rin ang mga mangagawa na naglagay at nagsemento sa kanyang lapida. Yun ang naging hudyat para bumaba kaming lahat sa van. Malakas ang hangin sa paligid, naglalaglagan ang mga tuyong dahon na nagmumula sa mga puno at nagbibigay lilim sa ibang mga puntod. Kabilang dito ang puntod ni Lhira. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay nag-uumpisa nang manlabo aking mga mata. Dahil sa luha na pilit kong pinipigilan kanina pa. Dahan-dahan ang aking mga hakbang. Nasa likuran ko lang sina Anton at Lucas at ang mga tauhan nito ay nagkalat lang sa paligid. Tumigil ako sa paghakbang nang makita ang lapida ni Lhira. Unti-unti kong itiniklop ang aking mga tuhod at dahan-dahan akong lumuhod hinaplos ko ng ak