Lhira POV "Hindi ka pa ba masaya papa? Pagkatapos mong patayin sila Miguel. Ipagkakasundo mo naman ako sa lalaking hindi ko mahal! Ganyan ka na ba talaga kataas ang ambisyon mo ha?! Pati sarili mong anak ginagawa mong miserable ang buhay?!" Sigaw ko kay Papa. Hindi ko akalain na ang nirerespeto kong ama ay magiging ganito kasama para lang sa pera. Hindi masamang maghangad ng kayamanan sa mundo pero kong sa maruming paraan niya gagawin yun. Ano pang pinagkaiba niya sa mga taong kriminal. Nasasaktan ako, dahil hindi ko akalain na magagawa niya ang ganito kasamang bagay. Magmula nang ipadakip niya si Miguel sa gabi nang kasiyahan ay hindi na ako lumalabas ng kwarto wala akong magawa dahil marami ang bantay sa bahay namin. "Lhira hanggang ngayon ba magmamatigas ka pa rin! Wala na si Miguel,