Miguel POV Hindi ko akalain na aabutan pa akong buhay ni Anton. Nang ihulog ako ng lalaking pumatay sa Papa ko at kuya ko isa lang ang naging rason ko upang mabuhay. Kailangan nila ng hustisya. Kailangan kong makaganti! At hindi ko magagawa yun kapag natuluyan ako! Gamit ang natitirang lakas ko ay umahon ako sa pool. Kaagad kong dinukot ang cellphone ko upang tawagan si Anton. Sakto namang nasa malapit lang siya. Pagkarating na pagkarating niya ay agad niya akong dinala sa Hospital. Pinaasikaso ko sa kanya ang lahat. Hindi rin siya makapaniwala sa nangyari sa akin at pati na rin kay Papa at kuya. Tinulungan niya ako at hindi niya ako iniwan. Naging sekreto ang libing nila dahil ayokong may ibang maka-alam na buhay pa ako. Nalaman ko kay Anton na tuluyan ng namaalam si Tito Raymond. A