Lhira POV Matapos naming mag-usap ni Thea. Malinaw na sa akin ang lahat. Kailangan kong kausapin si Paolo. Siya na lang ang pag-asa ko para hindi matuloy ang kasal. Sigurado naman ako na papayag siya kung sakaling sabihin ko sa kanya na gusto ko lang tumakas kay Papa kaya ako magpapakasal. Sa mga nakalipas na araw ay naging sunod-sunuran ako sa gusto nilang mangyari. Daig ko pa ang manikang di susi na kahit anong ipagawa nila ay ginagawa ko pero sa loob-loob ko ay namumuhi ako sa mga tao na patuloy na nagko-kontrol ng buhay ko. Tangap ko na, wala akong laban kay Papa. Lahat ng gusto niya sinunod ko. Pero sa oras na maka-usap ko na si Paolo. Ako na ang magdedesisyon sa sarili ko. Kaagad akong bumaba dahil ipinatawag nila ako. May salo-salo kasi dahil dumating ang pamilya ni Paolo. Kaya