Chapter 6

1534 Words
Miguel POV Kakauwi ko lang galing sa archery outdoor fights hinatid ako ni Anton sa bahay. Dumiretso na ako sa kwarto para mag-shower. Pagpasok ko ng bathroom ay agad kong binuksan ang shower faucet at tinantiya ang tamang temperature ng tubig. Sinahod ko ang sarili sa tubig na dumadaloy mula sa shower, nakakaginhawa sa pakiramdam napapikit ako para alalahanin ang tagpo kanina sa playing field. Hindi mawala sa isip ko si Thea at ngayon lang to nangyari sakin kahit marami na akong nakikilalang mga babae ang iba ay halos itapon na ang sarili sa akin pero wala pading effect sakin tanging siya lang ang nagparamdam sakin ng ganito. Hindi ko agad siya nakilala kanina dahil sa suot niyang half head gear pero naalala ko parin ang ginawa niyang pagtira sa akin ng rubber arrow at ang pagtalo niya kay Anton. I don't want to admit it but seeing the other side of her deepen my curiosity of what kind of woman is she? At isa pa, siya ang gusto ipakasal sa akin ni Papa, so ano pa ba ang dapat kong gawin? Kaya ko lang ba nararamdaman ang ganitong pakiramdam knowing na maaari ko siyang makatuluyan? Ano kaya ang plano ni papa at ipinakakasal niya ako kay Thea Morales? Naguguluhan na ako. Dahil kilala ko si papa hindi siya basta magdi-disesyon ng ganun kung walang malalim na dahilan dahil never siyang naki-alam sa personal kong buhay. Lumipas ang ilang minuto ko sa banyo nang magpasya na akong tapusin ang pagligo ko. Agad kong sinuot ang bathrobe na nakasabit. May narinig akong pumasok sa loob ng kwarto kaya lumabas na ako. "Dad?" "Son, andito ka na pala pwede ba kita maka-usap" Saad niya. "Of course, why?"  "Can you clear your schedule for tomorrow? I just want you to attend the anniversary of angels home." Alam ko ang foundation na yun dahil isa si dad sa naging malaki ang ambag para mapatayo ang bahay ampunan na yun para sa mga batang wala ng magulang at matitirhan. "Nagpa-order ako ng mga gifts online para sa mga bata, pwede bang ikaw nalang ang personal na magdala at ipaabot mo na lang kay Miss Matilda ang pagbati ko?" Dagdag pa ni Dad "Okay Dad, no problem" Sagot ko kay Dad.  Alam kong napaka-busy niyang tao kaya pumayag na lang ako. At isa pa marami din naman akong oras bukas kaya hindi na ako tumanggi. "Thank you Son." Tinapik niya ako sa balikat at tumalikod na din. Kinabukasan ay maaga akong bumangon para asikasuhin ang dadalhin sa events. Nakasuot lang ako ng slacks na pantalon at navy blue long sleave na polo shirt nakatupi ang mangas with leather shoes. Bago ako bumaba. "Tito? What are you doing?” Usisa ni Mia, ang nag-iisa kong pamangkin na limang taong gulang pa lamang. Ayaw kasi ni dad na humiwalay si kuya sa amin nang mag-asawa ito. Dahil gusto niyang nakikita ang kanyang madaldal na apo. "Why you are putting toys in the car?" Pangungulit nito. "Yun ba?" Sabay turo ko sa likod ng van na sasakyan ko papunta dun. "Yeah, can I have one please?" Nakatingin ito sa akin na namumungay ang mga mata na parang isang cute na tuta. "Mia, you already had a lot of toys in your bedroom, those toys are for the children's in the orphanage."  Hindi ko alam kung naintindihan niya ang paliwanag ko pero kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Orphanage means?"  "I mean, those toys are for all the children's in the orphanage who don't have their own families that taking care of them." "Why they don't have families?" "Mia, even if I will explain it you, hindi mo maiintindihan ang importante may nag-aalaga na sa kanila ngayon okay?" Nakangiting paliwanang ko sa kanya. "Can I go with you? I wanted to see all of them." Saad niya.  Kaagad kong tinawagan si kuya Michael dahil nasa opisina na ito para sabihin sa kanya ang gustong pagsama ni Mia at pumayag naman ito kasama ang kanyang Yaya. Tuwang-tuwa si Mia na pumayag ang kanyang daddy at kaagad na pumunta sa kwarto para magpalit ng damit.  Itinuloy ko ang pagsasa-ayos ng mga dadalhin maya-maya pa ay lumabas na din ito. "Bakit dala-dala mo ang mga laruan ni Mia, Yaya Mads?" Kunot noo na tanong ko. "Naku Sir, kinukulet ako ni Mia na dalhin tong pinaglumaan niyang laruan at gusto daw niyang tumulong at mapangiti ang mga bata sa ampunan." Sagot niya sa akin. Nakakatuwa naman ang batang ito maliit pa ay bukas na ang palad upang magbigay. Hindi na ako magtataka dahil napakabait din ng mga magulang niya at pati narin si Dad. "Let's go Tito?" Kaagad niyang tinuro ang pinto ng kotse sa harapan para pag buksan ko siya. "Okay little princess!" Inilahad ko ang kamay na kunwari ay nagpapasakay ng isang prinsesa napahagikhik naman ang cute kong pamangkin. Sumunod na rin si yaya sa likuran. Halos isang oras din ang naging byahe namin bago makarating sa angels home orphanage. "Okay were here, basta makinig ka kay yaya okay? Wag kang masyadong maglilikot baka mawala ka." Paalala ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba ng kotse. Nakangiti pa itong tumango sa akin. "Yaya samahan mo muna si Mia may pupuntahan lang akong staff sa office.” Paalam ko. Hinalikan ko pa ito sa noo bago ako tuluyang mag-paalam Agad kong tinungo ang office ni Miss Matilda para magbigay ng donation at para ipaalam ang mga dala kong regalo para sa mga bata. Pagpasok sa office niya ay nadatnan ko siyang nakaupo sa kanyang mesa. Kaagad siyang tumayo nang makilala niya ako. "Mr. Martinez! Hi! Ngayon ka nalang ulit nadalaw dito ah!" May katandaan na si Miss Matilda wala itong asawa kaya siya ang nagsu-supervise sa lahat ng kakailanganin sa bahay ampunan. "Yes Miss, I'm sorry kung ngayon lang ako nakadalaw masyadong busy po kami ni Dad," "Okay lang yun, naiintindihan ko hijo.” “Napansin ko po may building na bagong pinapatayo ang orphanage para saan po yun?"  "Ah! Oo nga hijo dumadami na kasi ang mga hinahatid ditong bata wala na kaming space mabuti nalang at tumulong si Mrs. Morales na mapatayo namin ang panibagong facilities para sa mga bata. Mrs. Morales? Hindi kaya siya ang mama ni Thea? Pero sabi ni dad wala na daw asawa si Mr. Morales? Binalewala ko na lang ang sinabi niya.  "By the way po, may dala po akong mga toy's para sa mga bata. Saka ito po, pinabibigay ni papa"  Inabot ko ang sobre na naglalaman ng malaking halaga. Malaki ang maitutulong nito para sa mga bata at palagi din itong gingawa ni Dad. "Maraming salamat hijo, dahil sa mga kagaya niyo maraming bata kaming nabibigyan ng pag-asa. Pakisabi na rin sa iyong ama ang taos puso kong pasasalamat." Naluluhang tinangap ni Miss Matilda ang sobre. "Naku Miss Matilda wala po yun."  Hindi ko man naranasan na lumaki ng may inang nag-aaruga hindi naman nagkulan si Dad na ibigay ang lahat ng pangangailangan namin. Kaya nagpapasalamat parin ako at kasama ko si Dad. "Hijo, kung hindi ka abala pwede bang sumali kayo sa events namin para sa mga bata? Napakahalaga ng okasyon na ito para sa kanila eh. At gusto kung masaksihan niyo din po ang hinanda nila para sa araw na ito." Saad niya. Ngumiti ako sa kanya. "Yes, of course Miss Matilda yun din ang sinabi ni Dad, kasama ko rin po pala yung pamangkin ko marami din siyang dalang laruan na gusto niyang ibahagi sa mga bata." "Talaga? Napakabuti talaga ng inyong pamilya. Maraming salamat talaga sa tulong niyo."  Nginitian ko na lang si Miss Matilda bago ako tuluyan mag-paalam para puntahan si Mia. Paglabas ko ay napansin ko ang mga batang naglalaro at naghahabulan sa malawak na damuhan.  Bakas sa mga ngiti nila ang pagiging kontento sa kung anong meron sila pero I know deep inside naghahanap sila ng kalinga ng totoong magulang. Napatigil ako sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko ang isang nakatalikod na babae maayos ang suot nito mukhang VIP guests din ito sa events habang nakikipaglaro sa mga bata. "Paano ba ito?" Narinig kong tanong ng babae. "Miss ganda, isusuot niyo lang po yung bilog-bilog na yan tapos isasawsaw niyo sa sabon tapos hihipan niyo po" Turo ng maliit na bata na sa tantiya niya ay kasing edad lang ni Mia. "Ganito ba?"  Hinipan ng nakatalikod na babae ang lagayan ng bubbles. "Yesss!!! Dami-dami naman ang saya!" Hiyawan ng mga bata. Kita sa mga labi nila ang kasiyahan habang hinahabol ang mga bubbles sa paligid na hinihipan ng babae. Mula sa may sabon na lagayan. She sounds familiar? Hindi ko lang makita dahil nakatalikod ito. "Wag niyong putukin ang bubbles mga bata." Tumatawang wika nito. Na pati siya at nakikisali na rin sa pagputok ng bubbles na hinihipan niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti. Para siyang naging bata. Panay hagikhik pa nito. Hindi ko napansin na may batang humihila na sa damit ko. "Mr. Pogi gusto niyo din po bang makipaglaro?" Wika ng batang lalaki sa harapan ko. Napalingon ang babae sa kinaroroonan ko narinig niya siguro ang tanong ng bata sa harapan ko. Ngunit laking gulat ko nang makilala ang babaeng kanila lang ay nakatalikod. "T-Thea?"   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD