Lhira POV
Dahan-dahan ang naging paghakbang ko papasok sa loob ng bahay. Inabot na kasi ako ng hapon at kinakabahan ako dahil baka mahuli ako ni Mama at Papa dahil ngayon lang ako umuwi.
"Saan ka galing?" Nagitla ako nang salubingin ako ni papa nasa gilid lang pala siya ng pintuan. Kinakabahan akong tumingin sa kanya.
"Hi dad!” Nakangiting bati ko sa kanya.
“May laban po kasi kami sa archery at nanalo po kami dad!” Tuwang-tuwa na wika ko sa kanya. Niyakap ko pa siya para hindi niya ako pagalitan dahil proud ako sa achievements ko kahit alam kong tutol siya dito. Pero inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya, at bakas sa mukha niya ang galit.
"Parehas na parehas talaga kayo ni Thea, puro lakwatsa na lang ang inaatupag niyo. Simula ngayon dito ka muna sa bahay grounded ka sa lahat ng activity mo sa labas." Madiin na wika ni Papa
"Pero dad?!"
"Enough Lhira! Go to your room now!" Singhal pa niya sa akin.
Mabigat ang mga paa na umakyat ako sa taas ng hagdan para magtungo sa aking kwarto. Ano na gagawin ko? Alam kong mahirap kontrahin si dad. Wala akong magagawa dahil mukhang mainit ata ang ulo niya siguro dahil nanaman siguro sa business. Inihiga ko ang aking katawan sa malambot na kama.
"Lhira…!”
Nagulat ako nang biglang pumasok si Thea sa kwarto ko. May dala itong malaking paper bag na kulay puti. Tingin ko ay mga pasalubong ang laman niyon. Kunot noo n’ya akong tinignan.
"Bakit ang haba ng nguso mo?” Usisa niya. Sabay tabi sa akin sa kama.
"Si papa kasi nagalit kaya grounded ako."
“Why? Anong ginawa mo at ginalit mo si Tito.”
Huminga ako ng malalim hindi ko rin alam kung bakit siya ganon sa akin. Bukod sa napakahigpit niyang ama, gusto pa niyang sundan namin ni Mike ang yakap niya. Kaya kahit ang kapatid ko ay pinagbubuti ang pag-aaral niya dahil alam niyang magagalit si Papa kapag hindi mataas ang marka niya.
"Thea may dapat tayong pag-usapan.” Seryosong sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
“Ano ‘yon?”
"Nakita ko si Miguel sa outdoor game namin ng archery, at take note kasali pa siya sa team ng kalaban but sadly nanalo kami dahil sakin" Pagyayabang ko kay Thea.
"Really? So anong sabi niya sa’yo?"
"Tinawag kasi ako ng team mates ko na Lhira. Palagay ko confused na siya sa akin. Hindi ko naman siya gaanong kinausap. Hindi ko rin kasi akalain na magkikita kami ulit. Baka iniisip niya na tinatago ko ang aking pagkatao sa iba.” Sagot ko sa kanya.
“Sana naman hindi na magkrus ang landas niyo paano na lang pag nalaman niyang hindi ka si Thea Morales?”
Kinalkal ko ang paper bag niyang dala. At tumingin ako sa kanya.
"It's your fault Thea, kung di mo ko pinilit na makipag-date dun hindi sana ako nagu-guilty ng ganito, at hindi sana kami nagkakilala ng Miguel na ‘yon. Wow! Ang dami mo naman dalang pasalubong, hindi lang souvenirs pati mangunguya." Excited kong in-open ang mga bottled nuts at tinikman ko ‘yon.
“Hmmm, masarap s’ya ha.”
"Syempre naman, kahit naman hindi ako humingi ng favor no dadalhan pa rin kita ng pasalubong." Nakangiting saad nito. Pinuno ko ang bibig ko ng mani.
"By the way Lhira, hindi mo pa kinukwento kung ano itsura ng Miguel na yun." Putol ni Thea habang inuupakan ko na ang mga dala niyang pasalubong.
"Gusto mo i-search natin? Malay mo may i********: siya diba?” Agad kong kinuha ang laptop sa ibabaw ng desk at binuksan ang i********:.
"Miguel Martinez," Type ko sa search button lumapit na rin si Thea sakin halatang gustong-gusto din niyang malaman ang itsura nito.
"Dami pala niyang ka name Thea,” Sambit ko.
Nagpatuloy lang ako sa pag search. Nakaagaw ng atensyon ko ang Miguel Martinez na naka leather jacket at nakatayo sa gitna ng mataas na building tingin ko ay sa abroad kuha ang kanyang larawan. Pero private ang account nito kaya hindi namin makita ang ibang pictures.
"Pogi naman pala yang Miguel na yan, malay mo yummy din." Nakangising sabi ni Thea sa kin sabay kindat pa nang lumingon ako.
"Type mo siya?" May pag-aalinlangan kong tanong.
"Hindi noh! Bakit ko naman yan magugustuhan dami ko din nakitang mga pogi at yummy, binigyan lang kita ng idea Hahahha! Saka isa pa cousin, wala pa akong balak mag asawa no!" Humagalpak ito ng tawa. Agad kong sinara ang laptop. At tinuloy ang pagkain ng pasalubong na dala niya.
"Ikaw hindi mo siya type?" Baling ni Thea sakin. Muntik na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya.
"Ano? Bakit ko naman siya magugustuhan? Diba nga may kiss mark pa siya nung magdate kami. It means, sa itsura niya baka hindi lang isang babae ang kinakama niya no!" Direktang sagot ko kay Thea mukhang natauhan naman ito sa sinabi ko at hindi na nangulit pa.
"Paano yan? Mukhang hindi ka papalabasin ni Tito dito?" Seryosong tanong niya sa akin. Naalala ko na naman ang sinabi ni Papa.
"Wag mo na akong alalahanin, sigurado ako na makakaisip ako ng paraan para makalabas dito." Saad ko.
Isang oras pa kaming nagkwentuhan ni Thea tungkol sa trip niya sa palawan. Hindi rin maubos ang kwento niya. Mahilig kasi talaga siya sa nature kaya gustong-gusto niya ang mga beach at matataas na bundok habang ako sa sports lang dahil wala naman akong mga kaibigan na pwedeng yayain sa mga ganoong lakad. Maya-maya pa ay nagpaalam na siyang umuwi.
Mag-isa na naman ako sa apat na sulok ng kwarto ko paano kaya ako makakaalis dito?
Kinagabihan ay sabay-sabay kaming naghapunan. Nalaman kong may trip si papa sa abroad at ibinilin niya kami kay mama na wag palalabasin pero sinabi ni mama kay papa na isasama niya ako sa Angel’s homes isa sa mga sinusuportahang children foundation ni mama. Karamihan sa mga bata doon ay mga laking lansangan at wala ng mga magulang anniversary kasi ng angels home at tuwing sasapit ang ganoong okasyon ay laging present si mama. Pumayag na rin si dad kaya kahit papaano makakalabas ako ng bahay at makakahinga.
"Lhira, isasama kita sa angels home para magkaroon ka ng idea kung paano makisalamuha sa mga kagaya nila." Wika ni Mama,
"Yes Ma, naintindihan ko po."
"Good, before I forgot anak special occasion ‘yon at siguradong may press para mag cover ng events kaya magbihis ka ng casual dress yung nude color brown na off shoulder dress yung binili ko sa Paris. Yun ang maganda mong isuot okay?" Tumango na lang ako para matapos na. Mukhang hindi lang ako mapipilitan pumunta sa events kailangan ko pang magsuot ng ganoon na damit na hindi naman ako komportable.