Lhira POV
Pakiramdam ko bawat galaw ko ay may nakasunod na mga mata sa akin. Hindi ko naman gusto na lagi na lang titingin sa dereksiyon nila baka kasi kung ano pa ang isipin nila sa akin lalo pa at mukhang natitipuhan ako ng kaibigan ni Miguel. Palagi kasi itong nakatingin sa akin. Nagpaalam akong magbabanyo muna kahit isang bote palang ng beer ang naiinom ko ay ramdam ko na sa systema ko na ang alak na ito. Mabuti na lang at occasional drinker ako kaya kahit papaano kinakaya ko ang mga light drinker na alcohol.
"Are you okay?"
Nagitla ako ng bahagya nang may magsalitang lalaki sa harapan ko medyo payuko kasi akong naglalakad dahil sa kakaisip sa mga nangyayari. Kaagad akong nagtaas ng mukha dahil sa pamilyar niyang boses. At kumunot ang noo ko ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ko.
"I said, are you okay Thea? Or should I say Lhira nga pala ang pangalan mo ngayon. Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkapanalo mo ah? By the way congrats nga pala." Inilahad n’ya ang kanyang kamay sa akin. Bahagya akong nakipag-shake hands sa kanya dahil ayoko naman maging bastos. Mukhang hindi talaga s’ya kumibinsido na hindi ako si Thea.
"You know what? Ibang-iba ka noong nagdate tayo napaka sophisticated mong tignan noong gabing yun. Alam ba nila na ikaw si Thea Morales ang anak ni Mr. Raymond Morales isa sa mga top business man here in the Philippine's? Let me guess? Hindi no? Kasi the way you speak to them you act like a normal girl playing cool with archery." Turan niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Are you done Mr. Martinez? I don’t know what you’re doing here and I’m sorry if I have to say this. But I don’t care what you wanted to think about me okay? Besides, nagdate lang tayo. Oh! Let me correct it. Kumain lang tayo sa labas. Can you just pretend that you don’t know me? Cause it’s much better for both of us." Inirapan ko siya. Nakataas ang kilay na tinungo ko ang pinto ng banyo at iniwan ko siyang salubong ang mga kilay. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay naisip kong humirit pa sa kanya.
"I forgot! Wala ka atang kiss mark ngayon?"
Kaagad akong pumasok sa loob. Derecho sa loob ng cubicle. Huminga ako ng malalim. Ano ba kasi ang problema ng Miguel na yun? Bakit kaya ayaw niya akong tantanan? Gusto ko pa sanang magsaya kaya lang baka tignan na naman niya ako sa table. Ang masama pa nagkita kaming muli. Akala ko pa naman huli na yung nagdate kami.
Miguel POV
Inis na bumalik ako sa upuan dahil sa magaspang na ugali na ipinakita niya sa akin. Samantalang pag kay Anton siya nakatingin ay malawak ang ngiti niya. Kunot ang noo ni Anton na nakatingin sa akin pagkaupo ko sa tabi niya.
“What?”
"Bro, I saw you, kausap mo si Lhira. Why?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Ah! Yun ba? Wala lang binati ko lang naman siya sa laro natin. Siya din kasi ang nag-out sa akin sa game.” Pagdadahilan ko. Hindi ko kasi alam kong sasabihin ko ba sa kanya na siya yong nakadate ko at soon to be wife ko dahil baka hindi siya maniwala. Dahil sa ayos ngayon ni Thea mukha siyang hindi anak ng business man at normal lang ang buhay kagaya ng mga kasama niya.
"Bro, I like her,"
Nasamid ako sa narinig kong salita sa kanya kaya walang tigil akong napaubo.
“Are you okay?” Kunot noo na tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya para tumugon. Sa dami ba naman ng babae sa paligid n’ya pati ba naman si Thea gusto na niya agad? Yung babae pang magiging asawa ko? Siguro naman hindi niya seseryosohin ang mga sinabi niya. Kilala ko si Anton. Wala sa tipo niya ang seryoso sa babae. Pero hindi naman siya basta na lamang nanliligaw sa kung saan mataas din ang standard niya gaya ko.
"Anton sigurado kaba sa sinasabi mo?"
Kumagat siya ng fried chicken bago sumagot.
"Not really, pero kanina bumilis ang pintig ng puso ko. Alam ko may something talaga eh." Nakahawak pa siya sa dibdib niya at binaling ang tingin kay Thea. Kakabalik lang din nito galing banyo. Nakita kong ngumiti si Anton sa kanya at ganon din ang ginawa ni Thea. Inis na binaling ko ang aking tingin sa mga fried chicken sa harapan ko at kumain na lang ako ng kumain.
"Bawasan mo kasi ang pagkakape kaya ka nagpapalpitate eh." Natatawang wika ko na lalong ikinakunot ng noo niya.
Makalipas ang sampung minuto ay nag-decide na silang mag-uwian pati na rin ang kabilang team.
"Bye team! Kita nalang tayo sa arrow land archers next week!" Paalam ng team leader nila pagkatapos ay kanya-kanya na kaming pulasan. At nagtungo sa sari-sarili naming kotse na nakapark sa parking lot. Papasok ko ng kotse ay hindi sumunod si Anton sa halip ay nagmadali syang pumunta sa kinaroroonan ni Thea.
"Lhira!"
Narinig kong tawag niya dito. Ilang hakbang lang kasi ang layo namin sa kotse niya.
"Bakit?"
"Can I get your number or social media accounts?" Malaki ang ngiti ni Anton.
“I’m sorry, I’m not active on social media. I have to go bye!" Paalam niya kay Anton. Sabay pasok agad sa kotse. Nakangusong lumapit si Anton sa akin. May idea na akong mangyayari ito sa kanya. Kakaibang babae si Thea hindi siya basta-basta nahuhulog sa looks lang. Kaya nga basta na lamang niya ako iniwan sa restaurant.
“Oh? Bakit nakasimangot ka diyan?" Kunwari ay tanong ko sa kanya. Pero imbis na sagutin niya ako ay pumasok na siya at pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse. Pagkatapos ay marahas na bumuntong hininga.
"Hindi ata ako type ni Lhira, hiningi ko ang social media account at personal number niya pero tinangihan niya ako.”
Tinapik ko ang balikat niya.
"Hayaan mo na siya, Anton dami pa naman girl’s diyan. Kahit ilan pa gusto mo." Nakita kong lalo lang kumunot ang noo n’ya.
"Stop it Bro, I’m serious here." Seryosong saad n’ya. Hinayaan ko na lang siya baka kasi lalo kaming magtalo kapag inasar ko pa siya. Saka ko na sasabihin sa kanya na si Thea Morales ay si Lhira. Na pinagkasundo sa akin ni Papa.