Lhira POV
Almost five minutes na mula nang mag-umpisa ang laro. Dahil naka indicate sa led timer ang oras. Magaling din pala ang kalaban namin nakatama na rin ako nang isa dahil natamaan nito ang isa kong ka team at natagalan kumuha nang rubber arrow. Pero may napansin akong lalaking nagtatago sa likod nang kulay blue na barrel obstacle mukhang pampadami lang siya sa team dahil hindi naman siya kumikilos. Agad akong nagtungo sa direction niya at nagpadulas sa bilog na inflatable obstacle inihiga ko ang aking katawan sa damo para hindi niya ako tamaan if ever na makita niya ako at walang kahirap hirap kung hinila ang bow string na may rubber arrow. Sinipat ko agad para sigurado ko siyang tatamaan sa bandang dibdib. Huli na nang makita niya ako dahil nanlaki ang mata niya nang bitawan ko ang aking pantira at sapul ang kanyang dibdib agad na nag mark nang red paint galing sa rubber pointed arrow ko.
“Yes!” Impit na sigaw ko. Bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya. Agad itong tumayo at tinaas ang bow at arrow. Palatandaan na sumusuko na ito at nagpunta na siya sa tent nila. Tinuloy namin ang laban. Dalawa nalang kami sa red team at ganun din sa blue team. I only have one arrow ang kasama ko din ay may may tig-iisang arrow nalang, sa blue team naman ay ganon din.
"Go! Red team!" Sigaw ni Carol na ka team mate namin. Kailangan kong makatama nang isa para may pag-asa kaming manalo. Tumalon ang leader namin sa inflatable barrel at tinira ang isang lalaki sa kabilang team na may dalawa pang palaso. Agad naman itong tinamaan pero tinamaan din siya kaya both silang natangal sa laro. Kaya one on one na lang ang labanan namin ako sa red team at ang lalaki sa blue team. Mukhang active sa gym ang lalaking yun dahil sa fit niyang damit bakat ang mga naglalakihang biceps nito. Kung wala lang itong headgear mukhang may itsura din ito. Agad tumakbo ang lalaki at umikot sa direction ko. Napatakbo na rin ako at nagpa ikot-ikot sa mga inflatable obstacle. Lalong naghiyawan ang mga team mates namin.
"Go Anton! Chase her!" Malakas na sigaw nang isang lalaki sa blue tent. Napalingon ako sa kanya siya lang naman pangalawang tinamaan nang rubber arrow ko kanina.
"Go Lhira!" Cheer nang team leader namin tumahimik lang sila nang patahimikin sila nang organizer ng games. Kung sa takbuhan lang din ang usapan mukhang hindi niya ako mahahabol runner kaya ako. Pero napapagod na akong magpasikot-sikot sa mga obstacle mukhang kailangan ko na siyang harapin.
"Takbo lang ba ang kaya mong gawin Miss?!”
Natigil ako nang marinig ko ang sigaw nang lalaking kalaban ko at nagtago sa likod nang malaking drum.
"Bakit!? Hindi mo ba ako kayang mahabol!" Sigaw ko dahil mejo malayo ang direction naming dalawa. Napapagod na rin ako sa pagtakbo.
"Hindi naman! Baka abutin lang tayo nang sunset dito pag hahabulin lang kita nang hahabulin" Natatawang paliwanag niya.
"So anong gusto mo? Sumuko na ako at hayaan kung tirahin mo ko nang rubber pointed arrow mo para magka blue paint natong black jacket armor ko?! No way!" Sagot ko ko sa kanya habang nagtatago parin ako at hinahabol ang paghinga.
"Eh! Di magharapan tayo bibilang ako nang tatlo sabay nating kalabitin ang bow string. Sa layo natin sa isa’t isa malamang isa sa atin ang hindi makakatama diba? Natatakot ka ba?" Hirit niya siguro ay nasa twenty feet ang layo namin. Nakakubli din siya sa malaking drum at may dalawa pang inflatable obstacle sa pagitan namin.
"Sige payag ako harapan!" Sigaw ko sa kanya bahagya akong lumingon kung saan siyang side nakaharap. Sa kanan siya nakaharap so pwede akong sa kaliwa dumaan para hindi niya ako makita sakto naman nakaharang ang mga inflatable kaya hindi niya ako mapapansin.
"1!" Sigaw nang lalaki. Agad akong humiga tinaas ko ang arrow at bow ko at tinuwid ang katawan ko at gumulong ako sa damuhan.
"2!" Sigaw ulit nang lalaki. Pagdating ko sa dulo nang inflatable ay agad kung tinukod ang isa kung paa para ayusin ang arrow ko malakas kong hinila ang bow string at tinapat sa mata ko para masigurado ang target maingat akong tumakbo papunta sa likuran niya.
"3!" Bago pa siya humarap ay pinakawalan ko na ang huling tira ko at nasapol agad siya sa likuran.
"Yeah!" Sa sobrang tuwa ko ay para akong batang nagtatalon habang winawagayway ang archery equipment’s ko.
"You tricked me!" May bahid na inis na sabi nang lalaki na nakatingin sa akin. Agad kung tinangal ang head gear ko napansin kung napatigil siya nang bahagya. Pero hindi ko na inisip kung bakit siguro dahil sobrang dumi ko na at masaya ako na nanalo kami sa first outdoor game ng team namin.
"This is a game bro, don't take it seriously. Just accept na kami ang nanalo. By the way I’m Lhira" Inilahad ko ang madumi kung kamay na pinagpag ko muna nang bahagya para makipag shake hands sa kanya tinangap naman niya ito.
"I'm Anton" Matipid na sagot niya sa akin tinangal na din niya ang headgear niya. Oh! Papable sabi ko na nga ba Sa tindig palang mukhang pang modelo din.
"Good job Lhira!" Bati sa akin nang mga ka-team ko na isa- isang lumapit sakin.
"Thank you guys." Nakangiting wika ko sa kanila.
"May malapit na inuman dito balita ko masarap ang fried chicken nila at lilibre ko kayo dahil nanalo tayo!" Wika nang team leader namin.
"Talaga leader? So ano pang hinihintay ninyo guy’s tara na baka magbago pa ang isip ni leader" Natatawang sabi ng mga ka-team ko. At isa-isa na silang nagpulasan palayo sa akin. Nakangiti lang ako habang tinatanaw silang palayo.
"So Lhira ka sa umaga at Thea Morales ka naman sa gabi?" May biglang nagsalita sa likuran ko. Agad akong lumingon.
"I'm sorry?" Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata.
"Hindi mo ko natatandaan? Pero ikaw naalala kita kahit iba ang ayos mo ngayon kaysa noong gabi na magdate tayo." Nakangising sabi ni Miguel.
"I'm sorry, I think nagkakamali ka lang" Matipid kong sagot at naglakad na ako nang mabilis. Bakit kasi sa dami nang tao sa mundo si boy kiss mark pa ang isa sa kasama nila at nakalaro ko. At tinawag pa niya akong Thea ano nalang idadahilan ko sa kanya pag nagtanong siya ulit sakin. Naputol ang pag-iisip ko nang makarating na kami sa restaurant. Agad silang nag order ng fried chicken at beer. Masaya kaming nagkukuwentuhan habang hindi pa dumadating ang order namin.
"Nakita niyo ba kung paano gumulong si Lhira sa damuhan? Akala ko pagtayo niya may kagat na siyang damo eh! Hahahhaha!" Pang aasar nang katabi ko na si Carol. Bumenta naman sa mga ka team namin kaya lalo silang nagtawanan.
"Haist! Binubully niyo na naman ako! Strategy yun ang linlangin ang kalaban! Hahhahahah!" Palusot ko, para tumigil na sila.
"Ano kaba Lhira! Ang astig kaya noon at isa pa ang pogi din nang nakalaro natin noh! Mukhang yayamanin din" Dagdag pa ni Carol. Tumango din ang iba. Totoo naman kasing mayaman yung Miguel na ‘yon tsk! Bakit pa kami nagkita ulit. Masaya na sana ang pagkapanalo ko.
"Speaking of the handsome boys!" Malakas na boses ni Carol. Napalingon ako sa tinitignan niya pumasok din sa restaurant ang mga nakalaban namin sa kabilang team.
"Nadito rin ba sila para mag celebrate?" Tanong ng team leader namin.
"Hi!" Bati nilang lahat sa amin. Gumanti naman kami nang bati sa kanila. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtingin sa akin ni Miguel mula sa likuran nang mga kateam niya. Nandoon din si Anton na mas malaki ang ngiti na parang mapupunit na ang labi.
"Hoy girl, mukhang type ka nong ka-last match mo ah?" Mahinang sabi ni Carol may pag-siko pa sa tagiliran ko.
"Ano ka ba! Nag-iimagine ka naman jan. Lahat tayo nginingitian nila kaya ngumiti ka na lang din." Saway ko sa kanya. Kamot ang ulo ko nang umupo sila sa tapat namin at umorder din ng beer at fried chicken. Dumating na rin sa wakas ang order namin. Agad silang kumuha nang tig-iisang fried chicken at kumuha din ng beer tatangi pa sana ako pero pinilit ako ni Carol. Nakita ko naman ang paminsan-minsang pagsulyap nang tingin sa akin ni Miguel habang nag-uusap sila ni Anton. Ano kaya iniisip nang mokong na ‘yon. Napatungga ako sa bote nang beer sa ka-kaisip. Wow, masarap pala ang lasa nang beer dahil sobrang lamig nito masarap din ang fried chicken. "Cheers!" Kanya-kanya kaming taas nang bote nang beer Nakisali na rin ang kabilang team.
"By the way Lhira, that was a good fight for me!" Malakas na boses na sabi ni Anton.
"At sa inyo din guys, sana makalaban pa namin kayo nextime!" Dagdag pa nito.
"Thank you Anton, me too nag enjoy din ako" Ngumiti ako sa kanya. "Ayiehhh!" Panunukso nang mga ka-team ko. Nakisali na rin ang kabilang team pero question mark pa din sa akin ang makahulugang tingin ni Miguel. Nakakunot pa ang noo nito.