Thea POV “Hindi ko alam ang sinasabi mo Thea, pero ngayong wala na si Raymond. Simula ngayon ako na ang mamahala sa mga kompanya. Wag kang mag-alala dahil hindi ko kayo pababayaang magkapatid.” Wika niya sa akin. Nakita ko ang pagpunas ng luha sa mata niya. Bago niya kami tinalikuran. Muli kong niyakap ang wala ng buhay kong ama. Hindi ko na napigilan ang sobrang pagiyak. Kung maaga ko lamang nalaman ang lahat. Kung maaga lang sana sinabi ni dad ang totoo. Sana napaghandaan ko ang araw na ito. Pero huli na, pati si Miguel ay wala na. At sigurado akong kukunin na Tito Lucio ang kompanya. Makalipas ang limang oras ay naiburol na namin si Papa. Dagsa ang mga taong pumunta sa burol ni Papa. Karamihan sa kanila hindi ko kilala at karamihan naman ay empleyado oh kaibigan ni Papa. Nasa harapan