Miguel POV Inabot na ako ng gabi sa kompanya. Ginugol ko kasi ang sarili ko sa trabaho upang hindi ko maisip si Lhira. Pero kahit anong pagod ko hindi parin siya mawaglit sa isip ko. Nalaman ko din na nasa hospital si Tito Raymond. Lalo pang lumala ang lagay niya. Sigurado akong mas pabibilisan nila Dad ang pagpapakasal namin ni Thea. Dahil dinalaw siya ni Papa kanina. Kung hindi ako pumayag sa kagustuhan ni Papa, kung alam ko lang na siya ang totoong Thea at hindi ang babaeng nakasama ko. Hindi sana ako nahihirapan ng ganito. Maya-maya pa ay naghanda na rin ako sa pag-alis. Mag eleven thirty na ng gabi nang makarating ako sa gate ng bahay namin. Naka-ilang busina na ako pero hindi parin ako pinagbubuksan ng gwardia. Kaya bumaba ako para pumasok sa maliit na gate. Pinuntahan ko ang guar