Walang akong magawa kundi umalis muna sa bahay para mag-unwind dahil baka magtalo pa kami ng papa. Nagpasya akong tawagan muna si Anton. Ang matalik kong kaibigan simula pa noong high school parehong business man ang aming Papa. Sigurado akong papayag yon pagniyaya ko s’yang lumabas. Dahil mahilig yon sa nightlife.
“Hello?”
“Oh! Napatawag ka Miguel?”
“Pwede ba tayong magkita Anton? Doo pa rin sa dating bar na pinupuntahan natin.” Saad ko.
“Sige ba! Magbibihis lang ako tawagan kita pag malapit na ako.”
Binaba na ni Anton ang tawag. Hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kanya. Dahil siguradong alam nito na may pinagdadaanan ako.
Wala pang thirty minutes nang marating ko ang Bar. Nandoon narin pala si Anton. Nauna s’yang makarating dahil mas malapit lang ito sa kanila.
“So, bakit bigla mo kong tinawagan? Siguro may problema ka na naman.” Nakangalung baba na tanong n’ya sa akin.
“Hoy! kinakausap kita parang wala ka sa sarili mo. Yung totoo? Bakit mo pa ako sinama dito kung di mo rin naman ako kakausapin” Inis n’yang wika. Sabay inom ng beer.
“Wala to, iniisip ko lang si Papa. Ayoko s’yang suwayin, pero mukhang nagdesisyon na s’yang ipakasal ako sa anak ni Mr. Raymond Morales.
“What! Sino? Yung naka date mo? Anong problema? Alam mo namang uso ang fixed marriage sa mga katulad natin Miguel. Tangapin mo na lang.” Payo niya sa akin. Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi n’ya ano pa nga kaya ang magagawa ko para hindi ituloy ni papa ‘yon.
“Bro, Kilala mo naman ako. Hindi ko ginagawa ang isang bagay na hindi ko gusto.”
Inubos ko ang laman ng bote.
“Bakit ba ayaw mo? Hindi ba sya maganda o sexy?” Nakangising tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya.
“Kung ikukumpara mo sa mga nakadate ko, okay naman siya. Kaya lang nakipagdate ako sa kanya ng may kiss mark pa sa leeg dahil kay Carol kaya siguradong iba na ang tingin niya sakin.” Paliwanag ko sa kanya.
Bumalanghit s’ya ng tawa kaya napakunot ang noo ko.
“Nagawa mo talaga yon bro? Hahahaha! Sigurado ako kahit ipakasal kayong dalawa hindi na rin siya papayag dahil bad shots ka na agad!” Umiiling na sabi niya.
“Hay naku bro! wag kang masyadong mag isip malay mo s’ya na mismo ang pumigil sa kasal n’yo dahil alam nyang babaero ka.” Nakangisi n’yang saad sa akin. Habang tuloy-tuloy lang ako sa paginom ng beer.
“Nagaalala parin ako dahil ayoko matali sa relasyon na di ko kayang panindigan at isa pa hindi pa ako handa Anton.”
“Tsk! Mukhang stress ka na dahil sa fixed marriage na yan ah? Alam ba ng ka-date mo na balak kayong ipakasal nang mga magulang niyo?” Bumaling ulit ang tingin ko sa kanya at sunod-sunod na umiling.
“I doubt it Bro, Mukhang wala siyang alam dahil hindi man lang niya nabangit ‘yon sa date namin nagulat pa nga s’ya nang sabihin kong baka idea lang ‘yon ng mga magulang namin para ipakasal nila kami.” Paliwanag ko sa kanya.
“Oh? So ikaw pa lang ang nakaka-alam? It's okay, sumama ka na lang sakin this weekend.” Saad niya. Napalingon ako sa kanya bihira niya akong yayain pag weekends dahil puro babae ang inaatupag niya.
“Saan naman? Kung mga babae yan pass muna ako.” Pagdadahilan ko.
“Hay naku, tingin mo ba talaga s’kin puro babae lang ang alam gawin?Hindi na ngayon Bro! Masakit din sa ulo ang mga babae masyadong demanding at maluho. May kinahihiligan akong bagong sports siguradong mag e-enjoy ka pag sumama ka sa akin kaya wag ka ng tumangi” Pamimilit niya.
“What sports?” Usisa ko sa kanya. Ngumiti s’ya bago niya ako sinagot.
“Archery.”
“Archery? Sigurado ka ba diyan?” Kunot noo na tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako gaanong pamilyar sa larong ‘yon.
“Come on Bro! Try mo muna, may outdoor fight kami bukas with other team. Tuturuan nalang kita bago magumpisa ang team fights saka alam kong hindi ka masyadong mahihirapan dahil active ka naman sa mga sports mag e-enjoy ka bukas. Sigurado ako diyan.”
Hindi pa nga ako pumapayag tingin ko ay pipilitin parin n’ya ako na pumunta bukas.
“Pagdadala na rin kita nang mga tools at equipment na gagamitin natin bukas dahil nag-order na ko online.” Excited na wika ni Anton. Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa kanya.
“Okay! Good! Just wear appropriate outfit for the sports okay?”
Mariin akong tumango para pagbigyan s’ya. Mabuti nalang at weekends na kaya pumayag na rin ako.
Lhira POV
Alas-sais palang nang umaga ay gising na ako. Dahil may outdoor game play ang team namin sa archery sa Mandaluyong. Mabuti nalang at dumating na ang inorder kong personal archery equipment’s na pwede kung magamit sa paglalaro. Almost five months na rin simula nang mag-aral akong mag archery at ngayon sasabak ang team namin sa outdoor competition at alam kong hindi ako mahihirapan dahil kahit paano nakakabulls-eye na ako sa layong ten meters pag nakastay ang target kaya first time kong sasabak sa outdoor play na kasama ang ibang team mates ko. At excited na ako kaya nakaready na lahat nang dadalhin kong backpack. Nagsuot ako nang white shirt at skinny leggings pati narin rubber shoes. Mabuti na lamang at wala si papa kung hindi baka hindi na naman niya ako payagan umalis. kahit once a week lang ang paglalaro ko nang archery ay tutol ang papa at hindi ko magawang kumbinsihin ito kaya nagdecide akong umalis nang hindi niya nalalaman. Kasalukuyan nasa out of town si Papa. Dahan-dahan akong naglakad sa sala para hindi makakuha nang atensyon sa ibang tao na nasa bahay.
“Where do you think your going?” Napatda ako sa kinatatayuan ko dahil biglang may nagsalita sa likuran ko napatigil ako nang lakad papuntang pinto. Lumingon ako.
“Mama! Goodmorning!” Agad akong lumapit kay mama para halikan ito sa pisngi.
“Aalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin Lhira? At saan ka na naman pupunta?” Nakataas ang kilay ni mama. Mabait naman si Mama pero takot ito kay Papa kaya lahat nang disesyon ni Papa ay umaayon lamang ito. Malamang isang mahabang paliwanagan na naman ang magaganap.
“Ma, may outdoor game play kami sa archery ngayon. I promise uuwi agad ako after ng play.” Sabay taas nang kanan kong kamay. Hindi ako pwedeng magsinungaling sa kanya dahil siguradong tatanungin niya ang driver ko.
“Pag nalaman to nang papa mo magagalit na naman yun sayo. Alam mo naman kung anong gusto nang papa mo. Ang pagaralan mo ang kompanya diba?”
Napakagat ako sa labi. Bago sagutin si Mama.
“Mama masyado pa akong bata para diyan. kakatapos ko pa lang nang college. Saka na po natin pagusapan yan malalate na po kasi ako. Sige po mama ba-bye! I love you!” Agad akong tumalikod kay Mama. Narinig ko pa ang tawag niya bago ako makalabas nang pinto. Pero nagbingi-bingihan ako agad kong inutusan si Manong na paandarin ang kotse. Wala pang one hour nang marating ko ang malawak na playing field sa Mandaluyong outdoor game play ng arrow land archery center namangha ako sa set-up ng field. Kasing laki ito nang golf course at kasing lawak naman nang football field ang area nang pagdadausan nang game. Marami itong inflatable obstacle and stylish barrel at mga colorful drums na malalaki. Mabuti na lamang at maganda ang panahon hindi mainit hindi rin mahangin sakto lang. Lalo akong na-excite ng makita ko ang team namin at ang team ng makakalaban namin ang iba ay naka suot na nang chest guard at hand guard. Kaagad akong lumapit sa team ko at binati sila. Sa team namin ay apat lang kaming babae at anim naman sa amin ay lalaki pero sa kabilang team mukhang puro sila boys hindi ko makita yung iba kung boys nga kasi nakafully head gear na ito at naka swat tactical jackets.
“Bro saan kaya galing ang makakalaban natin?” Kulbit ko sa isa sa team mates ko.
“Sa Makati daw, pero yong iba parang try out lang yung iba sa kanila kaya kayang kaya natin yang mga yan.” Confidence na sabi sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.
“Malinaw ang instructions na binigay sa amin last week para sa outdoor game. Agad kong sinuot ang gear ko. Dahil may limang minuto pa bago mag-umpisa ang game. Tinali ko pataas ang buhok ko para hindi maging hadlang sa laro ko mamaya. Kinabit ko na ang headgear na parang maliit na helmet lang ito sinuot ko na rin ang chest guard at hand guard ko.
Tatagal nang labing limang minuto ang laban may tig-tatlo lang kaming rubber arrow na may wet paint color blue. At red paint arrow naman sa kabilang team. Ang team na maubusan nang rubber arrow ang mananalo.
Miguel POV
“Bro okay kalang?” Tanong ni Anton sa akin na inaayos parin ang forearm protector ko.
“Anton, kahit hindi ako marunong naintindihan ko naman ang game at ang rules.” Sagot ko sa kanya. Natuto na rin akong mag firing dati pero hindi ko naman ginawang hobby. Sigurado akong sisiw lang ito sa akin.
Mukhang competitive ang mga boy's sa kabila dahil bakas sa mga katawan ang mga muscles nito. May apat na girls lang din ang kasali. Lahat kami ay nakaposisyon na. Nasa magkabilang dulo kami ng Field.
“Na-briefing na kayo about sa rules natin diba!?” Sigaw nang naka megaphone na tingin ko ay organizer ng game.
“Yes sir!” Sagot naming lahat.
“Okay! Let the games begin!”