Pagkatapos mag-file ng candidacy, hinarap ang media upang sagutin ang sunud-sunod na tanong ng mga ito. Umugong ang bulung-bulungan sa loob ng opisina. Ang iba ay hindi naniniwala, samantalang ang iba ay napapatango lamang. Sa pagkakaalam ng lahat, patay na ang dating pari. Na-focus ang camera sa leeg ni Kaleb na napuna ng isang newscaster. “Sir, paano niyo po mapapatunayan na kayo ay kambal ni Presidential candidate Klaeb Sorrento?” tanong nito sa kanya. “My twins will tell you everything.” sagot niya at sinuot muli ang sunglasses. “Bakit niyo ho naisipang tumakbo bilang Presidente?” tanong ulit ng media. “Ako ang papalit sa candidacy para kay Mayor Quiro Quatro Coloner.” “Mr. Sorrento, maari niyo po bang sabihin ang dahilan ng kanyang pag-urong ng candidacy?” Biglang tumahimik