Nanghihina na nakaupo si Klaeb sa sofa. Nanginginig pa rin ang kamay sa nerbyos. Ang akala niya ay abo na ito. Malinis maglaro ng baraha si Kaleb. Ayaw madungisan ang kamay kaya siya ang hinihimok na umamin o magpakamatay na lamang. Nasipa ni Klaeb ang lamesa sa inis dahil sa palpak at nabuliyasong plano. Hirap man sa kalooban ay walang magawa si Klaeb kundi sundin ang unang suggestion ng kapatid. Hanggat buhay siya ay may pag-asa pa siyang matupad ang pangarap niya. Akala ni Klaeb ay maabswelto siya sa krimen na nagawa kapag umamin siya at susuportahan ng kambal ngunit nagkamali siya. “Ako si Klaeb Ivan Sorrento, ang totoong pumatay sa aking ama na si Pablo Sorrento, sampung taon na ang nakalipas.” Dahil sa kanyang estatement, agad na natapos ang kaso ngunit hindi niya inaasahan na