Kinabukasan, nagising si Kaleb ng maaga. Napangiti siya dahil ngayon niya lang ulit nasilayan ang dalaga sa kanyang tabi. Madalas kapag bibisitahin niya ito sa kwarto ay wala na roon ang dalaga.
Alas-sais pa lang ng umaga ay bumangon na siya upang ipaghanda ng hangover soup ang dalaga at mapinom ito ng gamot na binigay ng doktor.
Bitbit ang tray ng pagkain, saktong pagbalik niya sa kwarto, nakita niya si Andra na nakaupo ito sa kama at hawak ang ulo.
Alam niyang masakit ang ulo nito ngunit nakuha pa rin niyang magtanong. Nais ni Kaleb na iparamdam sa dalaga sa sobra siyang nag-aalala dito.
Dala ng pagkabigla ay tumaas ang boses ni Kaleb nang tanungin niya si Andra ito tungkol sa pagka-overdose nito ngunit na-supalpal lang siya ng katotohanan.
Nagkasagutan sila hanggang sa makapagsalita ng hindi maganda si Andra
“Wala kang karapatan na pigilan ako kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko!” nabigla niyang sabi kay Kaleb.
Napayuko naman ang huli at ngumiti ng mapakla.
“I'm sorry,” taos sa pusong sabi ni Andra kay Kaleb.
Tama si Andra Nauunawaan niya, hindi pa niya lubos na kilala si Andra. Mabilis na umangat ang kanyang mukha nang muling magsalita ang dalaga.
“I will be very busy, hindi ko alam kung hanggang kailan.” sabi nito at bumuntonghininga, “mangako ka na tutuparin mo ang misyon na ibibigay ko sayo. King talagang mahal mo ako, susundin mo ang iuutos ko.” paniniguro ni Andra sa kausap.
“What is it?” kinakabahang tanong ni Kaleb.
Halos hindi siya humihinga. Naisip niya, kaya niyang gawin ang lahat, 'wag lamang siya utusan na pumatay.
“Run for President.” deklara ni Andra, biglang napaawang ang labi ni Kaleb sa pagkabigla.
“What? Seriously?” hindi makapaniwala na tanong ni Kaleb.
“Yes, palitan mo si Mayor Quatro Coloner. Ikaw ang tatakbo para sa Presidential position. Kalabanin mo ang iyong kakambal.” taas ang kilay na sabi naman ni Andra.
Walang nagawa si Kaleb nang iwan siya sa kama ng dalaga at walang pakialam sa hubad niyang katawan na nagtungo sa banyo.
Naisip ni Kaleb, marahil ang tinutukoy nito kagabi ay si Quiro. Ang taong na-mi-miss niya at mahal na mahal. Tumango-tango si Kaleb at hinintay na matapos ang dalaga.
“You deserve happiness, Daphne. Go, live with your man and make a family,” nakangiting sabi ni Kaleb sa dalaga. Tanggap niyang pangalawa lamang siya sa puso nito at handa siyang masaktan.
Dahil sa huling tinuran ng lalaki, parang lalong nanlumo si Andra. Ang sakit pakinggan ng salitang iyon. Paano? Paano siya bubuo ng pamilya sa taong mahal niya? Uso pa ba ang himala? Kung alam nga lang ni Kaleb ang totoong dahilan kung bakit siya aalis, hindi niya masasabi ang bagay na iyon.
Bago pa pumatak ang luha sa kanyang mga mata, agad na tumalikod si Andra at pumasok na lamang sa sariling kwarto.
Naghanda na naman ito paalis. Tila walang kapaguran. Sinundan niya ito at inalam king saan pupunta ngunit wala siyang nakuhang sagot.
Hindi niya mapigilan si Andra. Hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito. Marahil hindi pa ito lubos na nagtitiwala sa kanya.
Sinundan ni Kaleb ang dalaga palabas ng bahay at nakasalubong nila si Sanjo. Naghabilin ito at nang makita si Pepper ay nilaro iyon.
Nais man niyang pigilan ang dalaga, hindi niua hawak ang isip at damdamin nito upang diktahan sa gusto niyang mangyari. Wala siyang nagawa kundi ang ipaubaya sa taas ang lahat at naghihintay ng kanyang swerte sa babaeng minamahal.
Parang tumigil ang mundo ni Kaleb, hinawakan ang dibdib at muli na namang nardaman ang sakit. Pakiramdam niya, pinagkaitan siya ng pagmamahal, hindi lang kanyang pamilya, pati na rin ang babaeng nagpatibok ng puso niya sa unang pagkakataon.
________
Mabilis lumipas ang mga araw. Nasanay na tin si Kaleb na wala sa tabi si Andra. Ngunit may mga araw na nami-miss niya ito at mag-isang umiinom sa kwarto. Habang mainit ang kaliwat kanang campaign, naghahanda naman sina Kaleb at Sanjo sa kanilang atake. Marami silang nakalap na ibedensiya na ikasisira ng pangalan ni Klaeb upang hindi ito manalo. Mataas ang porsyento na maipapanalo ng kapatid ang posisyon. Bukod pa dito, unti-unting nawala ang kampanya tungkol kay Mayor Quiro Quatro Coloner.
Naging mas maingay ang pangalan ni Klaeb Sorrento at puspusan ang pangangampanya ng mga ito.
Habang nasa kampanya si Klaeb ay itinakas naman ni Kaleb ang ina at inuwi sa hideout mansion nila ni Andra.
“Mama, let's go. You will live with me.”
“Saan tayo pupunta?”
“Ako ang bahala sa'yo..”
“Paano ang kambal mo?”
“Mama, hanggang ngayon ba si Klaeb pa rin ang iniisip mo?”
“Kaleb, anak, ina ako. Mahal ko kayong pareho.”
“Pero Mama, miss na kita. Babalik tayo dito kapag tapos na ang eleksyon. Wala naman sayo nag-aasikaso dito.”
Nakumbinsi ni Kaleb ang ina. Pagdating ni Klaeb ay halos magwala ito sa galit nang hindi dinatnan ang ina sa kwarto. Nangako ang kanyang ina na ngayon niya sasabihin kung sino ang may hawak ng private account ng yumaong asawa.
“Search for her but don't tell the media. This will ruin my campaign!” utos niya sa mga tauhan.
Agad naman na kumilos ang mga ito at jahit isang trace sa CCTV ay wala silang nakitang kakaiba. Ngunit ang tagapag-alaga ng ina ay wala na rin.
Mabilis naman na nakapag-palusot ang mga gwardya dahil ang bilin ng mga ito ay magsisimba lamang. Walang pumiyok kahit isa sa kanila. Sa laki ng pinayad ni Kaleb sa kanila, hindi iyon kayang pantayan ni Klaeb. Nananatiling lihim ang lahat.
Ipinagpatuloy nina Sanjo at Kaleb ang mga plano ng pag atake samantalang si Arah ay isa sa mga nag-aalaga ng ina ni Kaleb. Naging malapit ang ina ni Kaleb sa dalaga at masaya ito kapag magkasama sila.
“Anak, bakit hindi mo ligawan si Arah, napakabait na dalaga, maganda at gusto ko rin siya.” sabi ni Mrs. Sorrento sa anak habang nakatingin kay Arah.
Namula naman ang mukha ni Arah, tumawa lang si Kaleb.
“Mama, busy ako sa kampanya. Hindi ito ang panahon ng ligawan ng babae. Panahon ito ng ligawan ng boto. Saka isa pa, may iba akong mahal.” paglilinaw ni Kaleb sa ina.
Halos mamula naman si Arah sa pagpapahiya at pangbabasted sa kanya ni Kaleb. Dahil hindi kinaya, agad na tumakbo si Arah sa sariling kwarto at doon ito umiyak ng umiyak.
“Anak–”
“Mama, ayaw kong paasahin ang tao. Alam kong wala akong nararamdaman sa kanya bakit ko patatagalin?”
Sandaling nahinto si Kaleb. Biglang naalala si Andra. Hindi nga ba't siya ay katulad din ni Arah ng posisyon? Ginagawa niya ang lahat at handang maghintay sa babaeng mahal niya ngunit hindi siya kayang suklian ni Andra.
Napailing si Kaleb sa kanyang pag-iisip.
Isang nakakagimbal na scandal ang kumalat sa internet at tabloid. Isang s*x scandal ni Zoey Madrigal kaulayaw si Aljur Montenegro.
Halos mapatay ni Rios Madrigal ang anak dahil sa eskandalo. Ngunit tumaas lalo ang porsyento ng ranking ni Klaeb.
“Paano iyan, mas lalong lumakas ang kambal mo?” nag-alalang sabi nito kay Kaleb.
“Huwag kang mag-alala Sanjo, ito na ang huling laro natin sa baraha.” sabay tupok ng sigarilyo at binuga sa mukha ni Sanjo ang usok.
“Di ka pa rin nagbabago, Father Kaleb.” ganting tukso nito sa kanya.
“Miss mo na siya?" usisa ni Sanjo ng matahimik ito
“Sobra," wala sa sariling sagot niya.
Simula nang umalis si Andra, hindi niya na alam at wala rin siyang balita tungkol dito. Hindi naman siya makapasok sa Black Market kung naroon man ito.
Hindi na niya pansin ang mga araw na lumipas, pakiramdam niya at napakatagal ng panahon na wala si Andra ngunit walang araw na hindi niya naisip ang dalaga.
Ayaw niyang mabigo sa misyong iniwan ng dalaga. Wala siyang kasiguruhan kung babalikan pa ba siya nito. Kahit abutin siya ng one hundred years, hindi mauubos ang pera na nakalaan para sa paggastos niya at lahat ng mga tauhan nila.
Alam niyang galing sa masama ang perang iyon ngunit maraming pamilya ang umaasa sa kanyang pinasasahod kapalit ng loyalty at malinis na trabaho ng mga ito.
“Tara! It's showtime,” aya ni Sanjo.
Ngayong araw na ito, magugulat ang buong bansa sa rebelasyon na magaganap. Nagtungo ang dalawa sa registration of candidates sa pagkapangulo.
Nagulat pa ang isang staff nang makilala ang lalaki na gustong magparehistro para sa pagka-presidente. Lumingon muna si Kaleb at sinenyasan si Sanjo nang makumpirma na makuha ang atensyon ng media. Agad na lumapit ang camera man at newscaster habang nagmamasid at kinukuhanan ang kaganapan ng live.
“Sir, Mr. Sorrento, on going na po ang inyong candidacy. Bakit kailangan nyo po ulit magparehistro?"
“Bakit? Masama bang magparehistro ang patay?”