TGS01: INTRODUCTION
Kaleb Van Sorrento, 25 anyos, nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo sa salang pagpatay sa sariling ama na si Congressman Pablo Sorrento.
Matapos ang verdict reading ay naging maingay ang silid na iyon at kung anu-anong masasakit na salita ang binitiwan ng mga taong saksi sa kanyang hatol. Kita sa mukha nila ang pagkadismaya, nang-uusig na mga mata. Ang iba ay binato pa siya ng tisyu at itlog habang sumisigaw.
“Mamamatay-tao! Walang kwentang anak! Pari ka pa naman! Halang ang kaluluwa!”
Nakatungo habang nakatitig sa nakaposas na mga kamay. Parang isang bangungot ang araw na iyon kay Kaleb. Nangako siya sa sarili, sisikapin niyang mapaiksi ang hatol at inaasahan niyang tutulungan siya ng kapatid at ina dahil nangako ang mga ito. Paglabas niya, ipagpapatuloy niya ang pagpapari at ipakikita niya sa mga tao na nagbago na siya. Ayon ang sinasabi ng kanyang isip.
Ngunit iba ang sinasabi ng kanyang puso. Wala siyang kasalanan, malinis ang kanyang konsensya, na ang lahat ay pagpapanggap lamang upang protektahan ang kapatid at ina, ang dangal at reputasyon ng pamilya. Dahil para sa kanila, isa siyang mabuting anak sa mata ng tao at sa mata ng Diyos.
Ten years later.
“Father Kaleb, paano ba iyan? Malaya ka na sa susunod na buwan, babalik ka pa ba sa parokya?” Tanong ni Sanjo kay Kaleb at hinithit nito ang sigarilyo.
Kasalukuyang oras ng pahinga nila kung kaya naman malayang nakakapagsigarilyo ang mga preso.
Isa na rito si Kaleb. Marami siyang natutunan sa loob ng selda, taliwas sa mga aral ng simbahan noong pari pa siya. Akala niya noon, natupad na ang pangarap niya na magsilbi sa simbahan at mabuhay sa mga salita ng Diyos ngunit iba ang plano sa kanya ng nasa itaas. Gustuhin man niyang ipagpatuloy ang pangangaral sa loob ng kulungan ngunit may pumipigil sa kanya sa kaibutiran ng kanyang puso.
Napailing na tinupok ni Kaleb ang upos ng sigarilyo.
“Ilang beses ko ba namang sasabihin sa'yo Sanjo, hindi na ako pari.” sagot niya sa kaibigan at binunga ang huling usok sa mukha ng kausap.
Siya man ay nagtataka, habangbuhay ang sentensya sa kanya ngunit nakatanggap siya ng Parole. Marahil siya ay pari at maganda ang naging record niya sa loob ng kulungan.
Kung totoong may kinalaman ang kanyang ina at kambal ay natutuwa siya. Ngunit ang hindi niya maipaliwanag ay ang misteryosong tao na tumutulong sa kanya sa labas na ayon sa mga gwardya ay isang maimpluwensyang babae.
Alam niyang hindi niya kapamilya ang taong iyon dahil sa tuwing tatanungin niya ang gwardiya kung kanino galing ang mga supply na natatanggap, hindi umano alam ng mga ito.
Kahit kailan ay hindi siya binisita ng ina o ng kapatid man lang simula nung araw na makulong siya.
Kung sino man siya, ayon ang una niyang magiging misyon sa susunod na buwan.
“Kaleb, sa sampung taong nating magkasama dito kahit papaano kilala na kita. Kung ano man ang balak mo, hindi ko masasabing tama o mali ang mga plano mo. Basta ako, hahanapin kita kapag nakalabas ako rito.” saad ni Sanjo, nakangiti at kahit magulo ang buhok, kababakasan ng kakisigan.
“Salamat pre, alam ko naman iyon. Basta ba sagot mo ang babae at pulutan.” Nakangisi na sabi ni Kaleb sa kaibigan.
Nauna lamang siya ng tatlong buwan kay Sanjo. Illegal possession of firearms at drugs ang kaso. Gaya niya, si Sanjo ay biktima rin ng timbangan na walang katarungan.
Sa mga panahong binu-bully si Sanjo noong bagong pasok lamang ito ay si Kaleb na ang naging tagapagtanggol nito. Hindi dahil pari siya.
Lingid sa kaalaman ng lahat, si Kaleb ay nasabak sa military service bago madestino sa kabayanan. Isa ito sa naging misyon niya. Ang maging pari at basbasan ang mga sundalong nasawi sa engkwentro.
Hindi naging madali ang naging obligasyon niya. Ngunit masaya si Kaleb dahil bata pa lamang siya ay pangarap na niyang magsilbi sa simbahan. Wala namang naging tutol ang kanyang mga magulang. Nang matapos ang kanyang training ay nadestino siya sa isang parokya na malapit sa kanilang bayan.
Kapag may chance siya at na-assign mag-homily sa kanilang bayan ay bumibisita siya sa kanyang pamilya.
“Kaleb, ang lalim ng iniisip mo.” pukaw ni Sanjo sa kanya.
Biglang naputol ang kanyang pagbabalik tanaw sa buhay niya noon. Hindi pa man siya nakakasagot ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras ng pahinga.
Dinampot ni Kaleb ang asarol at nagsimulang magbungkal muli ng lupa. Sa gardening siya nakatoka sa linggong ito.
Hindi pa man siya gaanong pinagpapawisan ay biglang nanlabo ang kanyang paningin ng ilang segundo.
Kinurap niya ng ilang beses ang mga mata at nasapo ang ulo. Buti na lamang at nakarecover siya agad. Gumulong siya sa bagong pananim na petsay. Nag-ingay ang mga nakasaksi at akma na sana siyang hahampasin muli ng sumugod na lalaki habang nakatutok sa kanyang ulo ang matulis na parte ng piko ay biglang umalingawngaw ang sirena at sunud-sunod na pito ng mga gwardya.
“Hindi pa tayo tapos, Father! Ingat ka sa susunod dahil hindi mo kakampi ang langit.” sabi ng lalaki at binitawan ang piko na hawak ngunit bago pa ito makalayo ay binugbog na ito ng mga gwardya.
“Kaleb, ayos ka lang ba?” tanong ni Sanjo habang pilit pinipigilan ang dumadaloy na dugo sa kanyang ulo.
“Sanjo, ihatid mo siya sa clinic,” utos ng isa sa mga kasamahan nila.
Dumating ang medical team at tinulungan si Sanjo na buhatin si Kaleb patungo sa clinic.
Normal na ang ganitong senaryo sa loob ng kulungan ngunit hindi na gumaganti si Kaleb lalo pa't malapit na siyang lumaya. Isang pagkakamali lamang niya ay maaaring mapatawan siya ng dagdag na buwan kaya minabuti niyang huwag lumaban. Alam niyang maaring mawalan ng saysay ang tulong ng misteryosong supplier niya.
Ngunit ngayon ay kakaiba ang atake, bukod sa intensyon siyang patayin, lalaki na habang buhay din ang sentensya. Alam niyang binayaran ito o ang pamilya sa labas upang gawin ang pagtatangka.
Kung ano man ang pakay nila, hindi hahayaan ni Kaleb na magwagi ang mga ito. May sarili siyang plano at lalong ayaw niyang masira iyon. Kung sino man ang gustong magpapatay sa kanya, malalaman niya rin, sa lalong madaling panahon.
Gaya ng nakagawian, tuwing ikalawang linggo ng buwan ay may bumibisita na mga bayarang babae sa selda upang magbigay aliw sa mga preso. Si Kaleb ay may sariling s*x partner at tanging siya lamang ang nakakagalaw dito. Ayon sa nagpadala sa babae, utos daw iyong ng isang kaibigan niya. Lalaki siya at paminsan-minsan ay kailangan niyang iraos ang init ng katawan.
Bilib din talaga si Kaleb sa taong tumutulong sa kanya. Palaisipan man kay Kaleb ay tinanggap ang regalo na iyon at upang punan ang tawag ng laman. Tao lang siya at kahit noong pari pa siya, may mga panahong hindi niya rin mapigilan ang sarili at natutukso siyang magsarili.
Huling linggo na niya sa selda, napakunot noo at tumaas rin ang kanyang kilay. Nagtataka si Kaleb kung bakit merong mga bisitang babae kahit hindi naman schedule. Bukod dito, iba ang babaeng nakatoka sa kanya.
Mabilis at alerto si Kaleb, agad niyang sinakal ang babae at isinadal sa pader ng kanyang kwarto.
“Sino ka? Sino ang nag-utos sayo upang ipapatay ako?” Nanlilisik ang mga matang tanong niya sa babae.
Halos mapugto ang hininga ng babae ngunit nakuha nitong magsalita.
“S-Si Mrs. S-Sorr–”
Biglang binitawan ni Kaleb ang leeg ng babae at nabitiwan niya rin ang camping knife na nakapa niya sa hita ng babae na nakasukbit sa leg suspender nito dahil sa suot nitong sexy skirt.
“Leave! Bago ko pa laslasin ang leeg mo. Sabihin mo kay Mama, wala siyang anak dito. O pwede rin ipagkalat niyong patay na ako, mas matutuwa ang mga 'yun.” Banta ni Kaleb sa babae at tinalikuran na niya ito.
Naramdaman niyang lumabas na ng kwarto ang babae. Halos manginig ang buong kalamnan ni Kaleb at gimbal pa rin sa nadiskubre.
Nung una ay masama lang ang loob niya sa ina at kapatid dahil ni minsan ay hindi siya dinalaw ng mga ito o pinadalhan man lang ng supply o bagong damit man lang. Kahit kailan ay hindi siya nakanggap ng mensahe sa tuwing may okasyon lalo na sa kanyang kaarawan. Ngunit ngayon ay napagtanto niya, matagal na pala siyang itinakwil at kinalimutan ng pamilya.
At ngayon ay nais siyang ipapatay ng mga ito? Naluha si Kaleb at nasuntok ang pader. Gusto niyang sumigaw upang alisin ang galit na namumuo sa kanyang dibdib.