TGS07: ALMUSAL

1847 Words
Wala namang kasunduan sina Andra at Kaleb na bawal siyang umalis kapag wala si Andra. Malaya si Kaleb na nakakapunta sa bahay ng kanyang ina lalo na kapag nakakatanggap siya ng tip sa mga pinagkakatiwalaan niya kapag wala roon sina Zoey at Klaeb. Paunti-unting nagkakalaman ang kanyang ina. Gustung-gusto na niyang itakas ito ngunit hindi pa ito ang oras. May plano din siyang sarili. Pagkaalis ni Andra ay agad siyang nagbihis at sinundan ito ng lihim. Pumunta ito sa kampanya ng isang Mayor. Nagtago si Kaleb sa isang kanto at nanliit ang kanyang mata. Nakita niyang yakap si Andra ng lalaki ngunit pilit na kumakawala sa mga bisig nito. Nadinig niya ang pag-uusap at tumaas ang kilay niya sa lalaking sumita sa kanilang dalawa na tinawag ni Andra sa pangalang Damon. Hindi malinaw sa kanya ang palitan ng mga salita ngunit isa lang ang nauunawaan niya. Posibleng may relasyon sina Andra at ang Mayor. Parang kinurot ang puso ni Kaleb sa isiping iyon. Bago pa maunang makabalik si Andra sa mansion ay inunahan na niya ito. Pag-uwi ni Andra ay dinala niya agad si Kaleb sa bahay ng kaibigan na si Gertrude Walton kung saan siya minarkahan sa leeg at dibdib sa pamamagitan ng tattoo. Nang araw ding iyon, nalaman niya kung ano ang ibig sabihin ng mga simbolong iyon kagaya ng kay Andra. Dahil sa hapdi ng sugat ay hindi umepekto ang pang-aakit sa kanya ng dalaga nung ayain siyang sabay maligo. Hindi man siya miyembro ng Assassin ngunit dahil sa tattoo na nilagay sa kanya ng dalaga, para na rin siyang kabilang sa mga ito. Bukod pa roon, nakapatay na siya. “Andra Daphne Harisson, ano ang koneksyon mo kay Papa? Bakit kilala mo si Mama o bakit ka niya kilala?” Mga katanungan sa kanyang isip na kahit isa ay wala siyang natanggap na sagot galing kay Andra. Gaya ng nakagawian, kapag nagkita sila sa loob ng pamamahay, naghahalikan, tuksuhan at biruan ngunit minsan ay nasasaling din ang pride ni Kaleb. Umaasa pa rin siya na magkakaroon ng label ang kanilang mga ginagawa. Nais lang naman ni Kaleb malaman kung may puwang siya sa puso ng dalaga ngunit parang naapektuhan din si Andra sa kanyang tanong. Nagmamadaling umalis at hindi na lumabas ng kwarto ang dalaga. Malamang ay may kinalaman ito sa lalaking pulitiko na katagpo niya nung nakaraan o may mas malalim pang dahilan. Kinabukasan ay nag-desisyong gumising ng maaga si Kaleb upang magluto ng almusal. Nais niyang suyuin ang dalaga. Alam niyang naguguluhan ito at ramdam niya na kahit papaano ay nakaukit na siya sa puso ng dalaga. Masiglang bumaba si Kaleb diretso sa kusina. Sa ilang araw nilang pagsasama sa iisang bubong, kahit paano ay alam na rin niya ang nais kainin ng dalaga. Hinubad ni Kaleb ang suot na puting T-shirt at nagsuot ng apron. Matipuno ang kanyang katawan na lalong nagbigay ng masculine vibes kahit na siya ay isang cook sa oras na iyon. Katatapos lamang niyang lutuin ang bacon at scrambled egg, kapapatay lamang ng stove nang maramdaman niya ang mga bisig na pumulupot sa kanyang katawan ng mahigpit. Ang mainit ma mukha na sumubsob sa kanyang likod. Ipinikit ni Kaleb ang mga mata at dinama ang malambing na yakap ni Andra. “D-Daphne..” bulong niya, “Hindi ka kumain kagabi.” sabi ni Kaleb, ngumiti bago humarap sa dalaga. Agad hinanap ang labi ng dalaga at hinalikan ito ng madiin sa mga labi. Nagtagal din iyon ng halos isang minuto bago pinakawalan ang malambot na labi ng dalaga. Parang balewala lang ang halik kay Andra at tinukso pa si Kaleb. “Are you worried?” bulong nito habang naka-ikot ang mga kamay sa leeg ni Kaleb. “I did, 'wag mo ng uulitin, please?” sabi niya at kinintalan muli ang dalaga sa labi. “What do we have here then?” excited na tanong ni Andra nang nalaman niyang para sa kanya ang niluto ng binata at hinila pa nito ang upuan para sa kanya. Bakas sa mukha ni Andra ang saya dahil sa special treatment ni Kaleb. May kung anong sumikdo sa kanyang dibdib at napatingin ito kay Kaleb na abot-tenga ang ngiti. Pakiramdam ni Andra ay isa siyang prinsesa sa mga oras na iyon. Kailan nga ba siya pinagsisilbihan ng ganito? Naisip ng dalaga na paminsan-minsan ay alisin ang pagka-awtoridad sa katauhan at maging ordinaryong babae sa paningin nila. Ngunit siya si Andra Daphne Harrison, sumasalamin sa isang pagkatao na walang sinuman ang maaaring sumuway sa kanya. Napawi ang kanyang pantasya nang magsalita si Kaleb. “Scrambled egg and bacon,” sabi nito at pinasa sa kanya ang pira-pirasong hati ng bacon. Napatitig siya sa mukha ni Kaleb na busy na sa pagnguya ng sariling portion ng pagkain. Lihim na ngumiti si Andra at sumubo ng scrambled egg. Tahimik lamang sila sa pagkain ngunit nag-pakiramdaman. Nang matapos ay pinunasan ni Andra ang sariling labi ng table napkin at uminom ng orange juice. Paglingon sa kanya ni Kaleb ay nakita niya sa sulok ng labi nito ang kulay dilaw na halos gaga-tuldok lamang. Umandar na naman ang kapilyahan ng dalaga. Tumayo ito at sumandal sa lamesa paharap sa binata. Inangat ang baba nito at napabuka naman ang labi ni Kaleb. Walang sabi na yumuko ito at dinilaan ang gilid ng kanyang labi. Nasa ganoon silang ayos at mainit na naghahalikan nang istorbohin sila ni Sanjo. Pagkatapos ipinakilala at masabi ang mga dapat at hindi dapat sa pamamahay ay agad tumalikod ang dalaga, hinabol naman agad ito ni Kaleb paakyat ng kwarto. “Daphne, ano ba ako sa'yo?” tanong ni Kaleb kay Andra, malamlam ang mga mata nito. “Walang tayo, pero akin ka lang Kaleb, naiintindihan mo?” walang gatol na sagot ni Andra at iniwang siyang nakatanga. “Bakit nandito si Arah?” agad na tanong niya kay Andra nang sila na lamang dalawa. “I have plans,” maikling sagot ng dalaga. “But she was my s*x–” naputol ang sasabihin ni Kaleb nang tumaas ang boses ng dalaga. “I know! She was your s*x partner na ni-rentahan ni Sanjo para maaliw ka sa loob ng sampung taon and what else?” may kung anong himig sa boses na sabi nito. “I..I don't like her," depensa naman agad ni Kaleb at yumuko lamang. Hindi man niya sabihin, alam ni Kaleb na may selos itong nararamdaman para kay Arah. “Are you jealous?” tanong ni Kaleb. “Of course not,” tanggi agad ng dalaga. “Daphne, sigurado ka?” tanong ni Kaleb at biglang sumeryoso ang mukha nito, naglakad papalapit kay Andra hanggang sa walang maatrasan ang dalaga at lumapat ang likod nito sa dingding. Hindi maipaliwanag ni Andra ang nararamdaman sa tuwing sasambitin ni Kaleb ang pangalawang pangalan. Hindi lamang ang binata ang tumatawag sa kanya ng ganito ngunit kapag si Kaleb ay parang nanghihina ang mga tuhod niya. Parang musika sa kanyang pandinig ang boses nito habang sinasambit ito. Parang may drum set sa loob ng kanyang dibdib at walang humpay ang pagkalabog nito. “K-Kaleb..” sambit ni Andra nang maramdaman ang mainit na hininga ng lalaki nang mag-kabedon pose ito. Lumunok ng ilang beses si Andra. Ang gwapo ng maamong mukha ni Kaleb, ang mapupulang labi at ang bagong ahit na baba ay bumagay sa medyo kulot nitong buhok. Sandaling nakalimutan nila ang tungkol kay Arah at naging busy ang isip ni Andra kung gaano ka-gwapong lalaki si Kaleb. Buti na lang at hindi na ito pari dahil 'pag nagkataon, hindi niya mapapatawad ang sariling kaluluwa sa mga pagpapantasya sa kaharap. Halos isang pulgada lamang ang pagitan ng kanilang mga labi, parehong taas-baba ang kanila mga dibdib habang nakatitig sa isa't isa. Wala sa loob na bumulong si Andra at hindi na mapigilan ang sarili na hatakin ang batok ng lalaki. “Yes, I'm jealous." pag-amin ni Andra bago nito siilin ng mapusok na halik si Kaleb. Tila uhaw na naghalikan ang dalawa. Nagsisimula ng uminit ang kanilang mga katawan nang biglang may kumatok sa pinto na agad nagdala sa kanila sa reyalidad. Parang binuhusan ng malamig na tubig at agad na naghiwalay ang kanilang katawan. “s**t! I will kill whoever that is!” sabi ni Andra, pinunasan ang laway na kumalat sa labi gamit ang likod ng palad. Sumunod si Kaleb at pagbukas ng pinto, bumungad si Arah. Nagkatinginan silang tatlo at agad namang tumaas ang kilay ni Andra, sinalikop ang mga kamay sa dibdib. “Ano'ng kailangan mo?” mataray at iritableng tanong ni Andra. Si Kaleb naman ay walang pakialam sa dalawa na tuluyan ng lumabas ng kwarto ni Andra. Hinabol ng tingin ni Arah si Kaleb kung kaya naman lalong nanliit ang mga mata ni Andra. Ngayon pa lang ay nais na niyang laslasin ang leeg ng babae ngunit kailangan nya pa ito. “Bakit ka nandito? Hindi yata maliwanag sa'yo ang lahat.” iritang tanong ni Andra. “S-sabi kasi sa baba, tinatawag mo raw ako.” paliwanag ni Arah na pinagtaka naman ni Andra. Wala siyang matandaan na utos dahil busy sila ni Kaleb. Saka lang napagtanto ni Andra, may sariling agenda ang babae. Marunong magsinungaling, sabi niya sa sarili. Alam niyang nais lang silang abalahin ng babae. Napangisi si Andra. Gusto mo pala ng ganito ha, pwes, makikita mo ang hinahanap mo. “Wala akong kailangan sa'yo.” sabi Andra at akma na nitong sasarhan ang pinto nang magsalita ulit si Arah. “Pwede ko bang makausap si Kaleb ng kami lang?” “At bakit naman hindi? Go!” pagkasabi ay tumalikod na si Andra. Hindi na nag-abala pang sarhan ang pinto. Hindi siya ma-attitude na tao, maging siya ay nagtataka sa sariling kilos lalo na kung may kinalaman kay Kaleb. Napahiga sa kama si Andra at pilit winawaglit sa isip ang mga nagpapagulo sa isip lalo ang puso niyang traydor. “f**k! WHAT IS HAPPENING TO ME!” sigaw niya sa isip at sumubsob sa malambot na unan. Pinaghahampas ang mga ito at tinapon isa-isa sa sahig ngunit kinuha ulit at inayos ang sariling kama. Samantala, nakangising pumasok ng sariling kwarto si Kaleb. Kitang-kita niya kung paano mag-switch ang expression ng mukha ni Andra nang mabungaran nila si Arah. Wala siyang pakialam sa presensya ni Arah simula ng aminin ni Andra na pinagseselosan ang dating s*x partner. Daig pa ang naka-jackpot ni Kaleb na labis ang saya. Ngunit napalis ang ngiti sa mga labi nang biglang maalala ang lalaking kayakap ni Andra nung nakaraang araw. Quiro “Quatro” Coloner. Hindi sigurado si Kaleb sa kanyang kutob. Maaring kakampi ang aspiring politician o kalaban. Naisip niya ang kambal na si Klaeb. Handa siyang makipagtulungan kay Quatro upang mapabagsak sa posisyon ang kapatid sakaling manalo ito. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi rin hahayaan ni Andra na manalo si Klaeb dahil may pinangako siya sa yumaong Pablo Sorrento. Klaeb, malapit ng dumating ang araw ng paghuhukom. Umigting ang panga ni Kaleb at muling namayani ang poot at pagkamuhi sa kambal. Hindi siya papayag na maging matagumpay ang sariling kapatid. Galit siya, sagad hanggang langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD