Habang nakahubad at nakababad sa bathtub, hindi maiwasan ni Kaleb na mapangiti mag-isa. Pilit na pinipigilan ang kilig habang abot tenga ang ngiti sa labi. Nakadipa ang mga kamay habang nakatingala sa kisame.
Hindi niya makalimutan ang pinagsaluhan nila sa kwarto mismo ni Andra. Biglang namula ang mukha ni Kaleb sa isiping iyon. Handa siyang sumugal, wala mang kasiguruhan ang namagitan sa kanila ni Andra, masaya na rin siya dahil noon, pinapantasya lamang niya ang dating madre.
Biglang sumeryoso ang mukha niya nang maalala ang unang naging misyon. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kaleb. Napatingin siya sa mga palad at hinilamos ang mga ito sa mukha.
Bukod pa rito, hindi siya makapaniwala na si Sanjo ay tauhan rin ni Andra. Kaya pala ginagawa nito noon ang lahat mapalapit lamang sa kanya at nasaksihan nito ang unang pagpatay niya. Biglang nanlumo si Kaleb.
Isa na siyang mamatay-tao ngayon. Hindi lamang ito isang akusasyon o pagpapanggap lamang. Hindi niya akalaing magagawa ang bagay na iyon ngunit isang utos lamang ni Andra ay sumunod siya.
“Mama, Papa..patawarin niyo ako,” bulong niya sa sarili, pakiramdam niya ay nanunuyo ang kanyang lalamunan.
Wala siyang pinagkaiba sa kanyang kambal ngunit ang kasalanan na gagawin pa lamang niya ngayon at sa mga susunod pa ay napag bayaran na niya sa piitan ng sampung taon. Ngunit sapat nga ba iyon? Tanong niya sa sarili at namalayan niyang tumutulo na pala ang kanyang luha. Impit na hagulhol ang pinakawalan ni Kaleb. Yumuyugyog ang balikat na puno ng pighati at pananakit ng dibdib habang tahimik na umiiyak.
“Papa, bakit kailangan kong magdusa ng ganito, bakit kailangan kong pumatay. Hindi ito ang pangarap ko.” sambit niya at muling tumingin sa kisame.
Nanlalabo ang kanyang mga mata. Nang mahimasmasan ay naligo agad. Aalis sila ngayong araw na ito. Naririnig niya ang kahol ni Pepper. Naisip niya, siguro nakikipaglaro na naman si Andra sa alagang aso. Napangiti siya, madalas niyang matanaw sa bintana si Andra na nakikipaghabulan sa aso.
Mukhang inosente at walang alam sa mundo ng mga assassin. Kapag tumatawa ito ng puro at walang nakakakita sa kanya, aakalain ng hindi nakakakilala ay walang muwang sa mundo ngunit kapag seryoso ang mukha, hindi mo mababasa ang kanyang emosyon at kilos. Tsk! Umiling na lamang si Kaleb sa sariling isipin.
“Ba't ang tagal mo? Nagpapa-gwapo ka pa rin ba sa salamin para sa akin?” nakakalokang tanong ni Andra.
Umiwas lamang ng tingin si Kaleb at tinawag ang aso na agad lumapit sa kanya. Lumuhod ng konti si Kaleb at agad nman siyang nadilaan ng aso sa pisngi.
“Pepper, he's mine!” biro ni Andra sa aso na agad naman kumawag ang buntot at sa kanya naglambing.
“Pakikuha si Pepper, aalis na kami,” utos ni Andra sa isang tauhan.
Nang mawala sa kanilang paningin ang aso, lumapit si Andra kay Kaleb at bumulong ito.
“Ang gwapo mo, Father Kaleb.” sabi nito at inayos pa ang kuwelyo niya na hindi pantay ang pagkakalapat sa leeg.
Bago pa kiligin ng todo si Kaleb ay nailapat na ni Andra ang mga labi nito sa kanya. Nasa gitna sila ng lawn kung saan tanaw sila ng mga tauhan ngunit kapag magkasama sina Kaleb at Andra ay hindi nila makuhang tumingin. Ang sino man na mahuli na namboboso o intensyong tumitingin sa kanilang private at personal activity ay hindi na sisikatan ng araw. Iyon ay dahil recorded lahat ang bawat sulok ng buong mansion.
Kaya naman walang mangahas na tumingin sa dalawa na magkalapat ang mga labi at naghihilahan ng dila. Mayamaya lamang ay nagdesisyon ang dalawa na sumakay ng kotse.
“Saan ba talaga tayo pupunta? Parang gusto ko na lang ituloy ang ginagawa natin," sabi ni Kaleb ng makaupo.
Inirapan lamang siya ni Andra ngunit nagulat si Kaleb nang kumadong ito sa kanya at iginewang ang balakang.
“Bakit, pwede naman nating ituloy dito sa kotse, malawak ang loob kaya kahit anong posisyon, pwede.” mapang-akit na sabi ni Andra.
“You started it, Andra. Be responsible for once.” iritang sagod niya sa dalaga.
Mabilis na tumigas ang kanyang ari dahil sa ginagawa ni Andra. Wala siyang pakialam kung saan sila pupunta basta ang mahalaga sa mga oras na iyon ay mairaos ang nararamdaman na init ng katawan. Hindi naman siya nabigo dahil mismong si Andra ang nagdala ng mga palad niya sa mga dibdib nito. Manipis ang suot nito na puting sando. Itinaas niya ang damit ng dalaga at agad namang ipinasok ang ulo sa loob ng damit at pinagsawa ang mga labi sa mga dibdib nito habang si Andra ay nagpeperform ng lap dance. Umiindayog ang balakang ng paikot at king minsan ay taas-baba na hinahagod ng mariin ang ari ni Kaleb na kahit natatabingan ng tela ay pakiramdam niya hibad ito.
Isa ito sa mga natutunan niya kung paano mawawala sa focus ang isang target lalo na sa mga VIP club. Ngunit gusto niya rin namang maging responsable kahit papaano sa ginalit na p*********i ng kanyang kasama.
Napapaungol na silang pareho. Malambot ang mga tela ng suot nilang jogger kung kaya naman hindi sila nahirapan na mairaos ang mga nararamdaman.
Malapit na sila sa sukdulan nang biglang huminto ang kotse.
“Damn it? What is it, Cruz?" Galit na tanong ni Andra sa driver.
“Ah, wala po bossing, may dumaan na pusa kaya ako napapreno. Sorry Boss.” paliwanag ng driver ngunit ang totoo ay natukso siyang silipin ang dalawa sa rear mirror.
Binalewala na lamang ng dalawa ang driver at itinuloy ang ginagawa at ilang minuto lang ay halos sabay silang nilabasan.
“D-Daphne…" ungol ni Kaleb nang tuluyang mairaos ang init ng katawan. Ganun din si Andra na hinahapo pa. Sabik pa rin siya at totoo naman na nagwapuhan siya kay Kaleb kaya di napigilan ang sarili na ituloy ito sa kotse.
“Paano ang underwear natin. Manlalagkit tayo.” Nag-aalala na tanong ni Kaleb.
“May damit sa pupuntahan natin. Don't worry." Nakangising sagot ni Andra.
“Did you plan everything?” nagdududa na tanong niya sa dalaga, kalmado na nakaupo pa rin sa kandungan n'ya at nakapatong ang mga kamay sa kanyang balikat.
“Not really, it's just..gusto ko lang bumawi.” nagkibit balikat siya at hinalikan ulit ni Andra sa labi si Kaleb bago ito tuluyang umupo ng tama sa kotse.
Naisip ni Andra, kailangan niya ring pangalagaan si Kaleb ngunit wala siyang maipapangako na relasyon dito. Siya man ay may pangangailangan. Nandito siya sa piling ni Kaleb para kay Quatro at kailangan magtagumpay siya sa misyon. Si Kaleb lang ang sagot sa lahat upang magtagumpay si Quatro at malipol ang mga halang ang kaluluwa sa politiko.
Nais niya ring tulungan itong kunin ang ina. Alam niyang may hindi magandang namamagitan kina Zoe Madrigal at sa ina nito. Lingid kay Kaleb, may isa siyang lihim na impormante sa loob ng bahay ng mga Sorrento. Kailangan muna niyang lagyan ng brand si Kaleb, para sa nalalapit na paku-krus ng landas ng kambal nitong si Klaeb.
Marami pang dapat na malaman si Kaleb, bukod sa pagkamatay ng sariling ama, malaking lihim ang pinanghahawakan ni Andra sa Sorrento family.
“O, bakit nakatitig ka na naman sa akin? Pinaraos na kita, kulang pa ba?” seryosong tanong ni Andra kay Kaleb.
“Anong kinalaman mo sa pamilya ko? Bakit mo ako tinutulungan?” sunud-sunod na tanong niya sa dalaga.
“Ssshh, soon, malalaman mo rin. Ang importante, kakampi mo ako at maka-paghihiganti ka sa kapatid mo. Di ba 'yun naman ang balak mo? Pwes, tutulungan kita. Kahit 'yang kargada mo, sagot ko.” mahabang paliwanag ni Andra.
Gustong matawa ni Andra dahil sa emosyon ng mukha ni Kaleb. Kahit gaano ka-seryoso ang mga sinasabi niya, na-aamuse siya sa kainosentehan ni Kaleb. Umiiling na sumandal si Andra, alam niyang marami pang bagay na dapat matutunan ang dating pari. Nakita niyang malapit na sila sa destinasyon kaya lumingon siyang muli sa kandungan ni Kaleb. Sinuguro n'yang hupa na ang init ng katawan ng lalaki at lupaypay na ang kanina lamang ay nagagalit na kargada nito.
“Boss Andra! Welcome back!"
____
“What the f**k, Andra! Why do I need this s**t on my chest?" Galit na galit na sabi ni Kaleb nang makarating sila sa mansion. Hindi naman sa hindi niya alam ang bagay na iyon kundi hindi niya inaasahan.
Parang bata si Kaleb na nagmamaktol. Naiinis siya dahil hindi niya iyon pinaghandaan. Kailangan pa siyang igapos ng mga tauhan no Andra upang malagyan ng tattoo. Takot siya sa karayom at halos mapugto ang hininga nya habang tina-tattoo-han siya ng katulad ng kay Andra.
Humagalpak lamang si Andra na binagsak ang katawan sa sariling kama. Hinayaang nakabuntot sa kanya ang binata.
“Sit here, Kaleb.” utos ni Andra at tinapik ang kama.
Para namang aso na sumunod si Kaleb ngunit nakasimagot pa rin at magkasalubong ang mga kilay.
“Alam kong matalino ka at alam mo ang dahilan, pero kailangan kitang protektahan sa kahit anong paraan, kahit anong mangyari. Ayaw kong magkamali sa misyong ito at ayaw kong masira ang mga plano ng Papa mo." Seryosong sagot nito.
“A-Andra, anong ibig mong sabihin?” tanong ni Kaleb, awang ang mga labi at hindi makapaniwala sa tinuran ng dalaga.
“Next, let's visit Tita Zenia,” nakangiting sabi ni Andra na lalong kinagulat ni Kaleb.
“Kilala mo si Mama?” paniniguro niyang tanong.
“Wrong, she knows me. At tiyak matutuwa siya kapag nakita ako.” masayang sabi pa ng dalaga.
“Andra Daphne Harrison, sino ka ba talaga?”