Umalis si Andra, hindi ito nagpaalam kay Kaleb kung kaya naman bugnot na bugnot siya. Nakasanayan na niya ang presensya ng dalaga at hindi niya maitatanggi na miss na miss na agad niya ito . Nag-ensayo na lamang siya at kung minsan ay nakipaglaro kay Pepper. Sa tulong ni Andra, namo-monitor na niya ngayon maging ang bawat kilos sa loob ng bahay ng kanyang ina.
Wala namang espesyal o kakaiba sa araw na iyon. Nais sana niyang bisitahin ang ina dahil nakita niyang paalis sina Zoe at Klaeb.
Iniisip niya kung saan pupunta ang mga iyon. Agad na kumilos si Kaleb at nagdesisyon na sundan ang kambal. Sa pamamagitan ng special device ay malalaman at masusundan niya kung saan nagpupunta sina Klaeb.
“Pakisabi, kapag dumating si Andra, magpahangin lamang ako," bilin nito sa mga tauhan.
Hinanda niya ang sarili, gaya ng nakagawian, baon niya palage ang isang baril na binigay sa kanya ni Andra. Maliit lamang iyon. Nagsuot siya ng kulay itim na cap at skinny jeans, pinaresan iya iyong ng puting plain T-shirt at puting sneakers. Nagsuot din siya ng sunglasses na lalong nagpalitaw ng kanyang kagwapuhan.
Sanay na ang mga kasambahay sa kanyang presensya ngunit araw-araw ay nasosorpresa pa rin sila sa kanilang boss. Hindi rin maiwasan ng kanila mga tauhan na kiligin ng lihim kapag aksidenteng nakikita sina Andra at Kaleb na naghaharutan.
Sinioat sandali ang sarili sa salamin at agad sinukbit mang baril sa bewang niya at agad na umalis.
Nakita niyang huminto ang sasakyang sa isang malawak bakuran na may mataas na bakod at barb wire. Sa gitna ay may ordinaryong building. Parang private factory ito. Pumasok doon ang kotse.
Lingid sa kaalaman ni Andra, si Kaleb ay nakipag-ugnayan sa military agent na eksperto sa paggawa ng mga secret device.
Suot ni Klaeb ngayon ang salamin na madalas niyang gamitin sa kampanya. Nilagyan ito ng special device ng isa sa mga hired niyang agent at nagpapanggap na katulong.
Napangisi lang si Kaleb, iba talaga 'pag may pera, kayang gawin ang lahat, sabi niya sa sarili. Marami siyang nakitang tao sa loob ng underground ngunit hindi niya kilala ang mga ito. Kahit isa ay wala siyang natatandaan na kaibigan ng ama o kapatid. Marahil ito ay isang illegal na negosyo na kinasasangkutan ng kapatid. Bingo, sabi niya at nagpatuloy sa panonood sa camera hanggang sa maagaw ng atensyon niya ang dumaang babae.
“s**t!" usal niya.
Dahil hindi naman siya sanay sa ganitong buhay noon, wala siyang alam sa mga ganitong klaseng transaksyon ng kapatid ngunit ang ipinagtataka niya ay naroon din si Andra sa lugar kung nasaan si Klaeb.
Kailangan niya ng mas advance na device. Kailangan niyang marinig ang mga usapan ng mga iyon. Umuwi si Kaleb na nanlulumo dahil sa nakita at nadiskubre tungkol sa kapatid at kay Andra.
Naisip ni Kaleb na posibleng ginagamit lamang s'ya ni Andra at ang gusto talagang tulungan nito at si Klaeb. Pero imposible, nakalaya siya dahil sa kapangyarihan ni Andra. Kung paano niya nagawa iyon? Isa rin sa gustong madiskubre ni Kaleb. Bakit puspusan ang pagtulong sa kanya ni Andra.
Pagkauwi niya ng mansion ay tila walang nangyari, nagpanggap si Kaleb na parang wala siyang nalaman.
Agad na nagpalit ng damit at naligo. Pagbaba niya ay nakita niya si Ara at wala sa loob na nilapitan ito.
“O, Ara, kumusta na sa club? Si Father Rodney, kumusta?” sunud-sunod na tanong niya rito ngunit nagitla siya ng halikan ng babae.
Nagpumiglas si Kaleb at pilit inilalayo ang sarili sa mapangahas na halik ni Ara. Bago pa sila mahuli ay nag-tip ang isang katulong na dumating na si Andra.
Agad namang binitawan ni Arah ang mga labi ni Kaleb at patay malisya silang nag-usap nang pumasok si Andra.
_____
Samantala sa mansion ng mga Madrigal, mag-asawang sampal ang natanggap ni Zoey mula sa ama.
“Stupid!” sigaw ni Rios sa anak na dalaga.
“Dad! I'm sorry, hindi na mauulit.” pagmamakaawa niya sa ama at lumuhod pa.
“Hindi ba't sabi ko sayo, huwag kang magkakamali na makabangga ng kung sino sa Black Market? Hindi mo ginagamit ang utak mo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin mapaamin 'yang walang kwenta mong kasintahan.” bulyaw pa ni Rios kay Zoey.
“Honey, tama na 'yan, 'wag mo naman saktan ang anak mo. And dapat na pag-buntunan mo ay ang babaeng iyon. Sino ba siya sa akala niya.” sabi naman ng ina ni Zoey.
Hinaplo lamang ni Zoey ang pisngi na ngayon ay pulang-pula na. Hindi rin siya pwedeng umiyak dahil lalo lang siyang masasaktan ng ama.
Lalong nag-uumapaw ang galit ni Zoey sa sariling ama ngunit kailangan niyang magawa ang misyon upang mahalin siya ng ama. Kapag nagawa niya iyon, maipagmamalaki at pupurihin din siya nito.
“Yes, Dad. Sa susunod, busy lang si Klaeb pero soon malalaman ko rin kung nasaan ang mga dokumento at kanino napunta ang kayamanan ng mga Sorrento.”
“Magaling, dapat lang. Alamin mo kung sino ang pinagbilinan ni Pablo. Dahil walang lumalabas na pondo sa mga private account ng Sorrento Brothers.” kutya ni Rios sa sariling anak.
“Yes, Dad. I will.”
“Kapag nagawa mo ang misyon mo, papayagan kitang mapangasawa si Klaeb. Basta ba siguradong siya ang tagapagmana.” nakangising sabi nito sa anak.
Hinithit ang tabako at binuga iyon sa hangin bago tuluyang iniwan ang anak na nakaluhod pa rin at ang kanyang asawa ay bumuntot sa kanya.
Balang-araw, ipagmamalaki niyo rin ako. Sa ngayon, kailangan kong malaman ang mga natatagong lihim ng mga Sorrento, pangako ni Zoey sa sarili at tumayo na ito at inayos ang sarili.
“Boss, may naghahanap sa inyo.” sabi ng isang tauhan kay Rios.
“At sino naman daw siya?” walang amor na tanong niya.
“Aleck Madrid Sorrento.”
Napatayo sa swivel chair si Rios. Ngunit hindi pa nakakailang segundo ay ngumisi ito at dahan-dahang humalakhak palakas ng palakas. Nang makontento ay nagsalita itong muli.
“Papasukin mo.”
Pagpasok ni Aleck ay humalkhak muli si Rios at tinuro ang upuan.
“Magkano ang kailangan mo?” malaki ang ngiti sa labi ni Rios na tila naka-hit ng jackpot sa mega lotto.
“Sampung milyon, armas, seguridad ng aking ina.”
“Ows, 'yun lang?” nakakalokong tanong nito
sa kausap.
_________
Samantala, hindi naging maganda ang timpla ng mukha ni Andra pagbunga niya sa pinto, nakita niyang masayang nag-uusap si Kaleb at Arah. Dahil marami siyang dapat gawin hindi niya gaanong iniintindi itongunit nagbanta kay Kaleb tungkol sa nabungaran.
Naiinis ang dalaga at kahit anong pilit niyang pigilan ang sarili, hindi niya talaga maiwasang hindi magselos.
Ipinakilala ni Andra ang kasamang kaibigan na si Star kung tawagin niya. Agad naman g nahimigqn ng babae kung ano ang namamagitan kina Andra at Kaleb kung kaya lalo sila nitong inasar.
Wala sa mood si Andra kung kaya naman iniwan na sila nito at tinawag ang kaibigan sa private room kung saan niya ginawa ang maselang trabaho.
Nang mag-kasarinlan sina Kaleb at Andra ay nag-usap ito ng masinsinan habang nagbibihis ang dalaga. Hindi alintana ang kanyang kahibaran sa harap ng lalaki. Kung wala nga lang ang kaibigan niya sa mansion, malamang may nagawa na naman siyang hindi maganda kay Kaleb.
Inalam ni Kaleb kung saan nanggaling ang dalaga dahil hindi ito nag-abiso man lang sa sariling lakad. Kahit na alam niya kung saan ito nagpunta, nagpanggap na lamang siya.
“I'm sorry kung hindi ako tumupad sa usapan natin. Hindi ko sinasadya at lalong hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa'yo.” sabi niya dahil naalala niya ang kasunduan na bawal paibigin ang dalaga at lalong bawal itong mahalin.
“May gusto ka pang sabihin?” balewala na tanong lang ni Andra sa kanya.
“Mahal kita.” sambit ni Kaleb at napatigil naman ang saglit ang dalaga sa ginagawa.
Sandaling tumigil ang ikot ng mundo niya. Ang sarap sa pandinig ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili.
“May mahal akong iba. Mamamatay-tao ako, labag sa batas at sa mata ng Diyos ang source ng income ko. Hindi mo ako maipagmamalaki.” mapaklang sagot ni Andra, alam niyang ang kagaya niya ay hindi sapat ang simba at dasal upang mabura ang mga kasalanan.
“Please, Daphne. Give us a chance, subukan natin, kahit pangalawa lang ako d'yan sa puso mo. Handa akong magpagamit, use me all you want. Kung ano man ang pakay mo sa akin, kung bakit mo ginagawa ang lahat ng ito, handa akong gawin ang lahat para sa'yo.” sabi niya habang yakap-yakap ang dalaga.
“Pag-iisipan ko, at isa pa may Arah ka na di ba?” biro naman ni Andra sa kanya at agad inilayo ang sarili sa binata.
Kailangan niyang labanan ang nararamdaman. Hindi ito ang tamang oras para sa sarili lalo pa buhay ni Quatro ang kapalit. Binalikan niya ang kaibigan ang nahsimula na silang magtrabaho ngunit lumilipad pa rin ang isip. Pilit winaglit ang mga sinabi ni Kaleb. May kung anong sakit na kumurot sa puso niya nang malaal si Quatro at ang kanyang ina.
_____
Samantala, sa mga oras na iyon, nagwawala si Rios Madrigal dahil napahiya siya sa harap ni Aleck. Walang laman ang ibinigay niyang card dito at bumalik ang lalaki upang ipaalam dito ang pag-decline nang ginagamit niya ito upang pambayad sa ospital.
“Who the hell stole my wealth, damn it!” sigaw nito at ibinato ang isang antique jar na halos seventy- years old na. Napapaiyak na lamang ang asawa ni Rios at hinayaang lamang ang galit na asawa.