What did I just hear? Iyon ang paulit-ulit na tanong sa isip ni Dwight matapos marinig ang huling sinabi ng inaanak niyang si Saraya. Wala pang ilang oras simula noong pumayag siya na maging legal guardian nito pero narito siya at masakit na kaagad ang ulo dahil sa inaanak! Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang mga maling iniisip tungkol sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiirita kapag binabalikan ang mga sinabi nito. At siguradong-sigurado siya na hindi ang inaanak niya ang basta na lang na nakaisip ng mga paratang na iyon tungkol sa pagkatao niya! “Pusong babae?” Halos mapasapo siya sa noo habang tumatawa ng mahina. Gutom na gutom pa naman siya dahil sa tagal ng ginawa niyang paghihintay sa binili niyang bulaklak para kay Saraya. Dahil weekend ay naghintay pa siya sa