“Falling for you is like drowning in the flood of sins, Saraya...”
Lumaki si Saraya na walang nakagisnang ama. Sanggol pa lang siya nang mawala ang ama dahil sa naging trabaho nito, na hindi kailanman sinabi ng kanyang ina kung ano. Naging malayo ang loob ni Saraya sa kahit na sinong lalaki dahil lumaki siya na puro ang ina lang ang kasama at karamay sa buhay. Hanggang sa tumuntong siya sa edad na disisais ay napansin ni Saraya na unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng kakaibang damdamin sa isang lalaki, katulad ng nararamdaman ng mga babaeng kaklase niya. Pero paano kung ang unang lalaking natutunan niyang lihim na ibigin ay isang lalaki na hindi niya pwedeng mahalin? Malalabanan kaya ni Saraya ang tukso ng bawal na pag-ibig kung ang Ninong Dwight niya na mismo ang nagpatikim ng kanyang una at bawal na halik?