Kabanata 60

2531 Words

Titig na titig at halos hindi kumukurap si Saraya habang nakatingin sa Ninong Dwight niya na naglalakad papasok sa gate nila. Hindi niya alam kung talaga bang mabagal lang itong maglakad o sadyang may mali lang sa mga mata niya kaya sa tingin niya ay mabagal ang paglalakad nito. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ulit ang Ninong niya dahil ilang araw na niyang sinimulan na tanggapin na hindi na nga ito muling bibisita sa kanila kagaya ng sinabi ng Mama niya. Kaya ngayon na nasa harapan niya ito at may dala-dala pang isang pumpon ng mga bulaklak at bihis na bihis ay hindi niya maintindihan kung ano ang eksaktong nararamdaman niya. Napapalunok rin siya dahil pakiramdam niya ay parang nanunuyo ang lalamunan niya. Natatameme rin siya at hindi alam kung paano itong babatiin samantalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD