Nakasimangot si Saraya nang lumabas sa kusina at bumalik sa tabi ng mga kaibigan niyang sina Holy at Mary. Inis na inis siya sa Ninong Dwight niya dahil hindi man lang nito na appreciate ang balak niya na linisin ang tingin ng mga kaibigan niya dito. Wala naman siyang pakialam kung pusong babae pa ito. Tanggap naman niya ito kahit na ano pa ang maging pagkatao nito. Ayaw lang naman niya na pinagtatawanan at hinuhusgahan ito ng mga kaibigan niya. Nasasaktan at naiinis siya sa tuwing babanggitin ng mga kaibigan niya sa kanya na pusong babae ang Ninong niya. Kaya kahit na alam niyang hindi ito papayag ay pinilit pa rin niya na sabihin dito na magpanggap na boyfriend niya kahit na ngayong araw lang. Pero sa halip na pumayag ito ay mukhang nagalit pa sa kanya at sinermonan pa siya! Inis na in