Hindi maiwasan ni Dwight ang mapasulyap sa inaanak niyang si Saraya habang kumakain sila ng tanghalian. Sigurado siyang napikon ito kanina at hindi nagustuhan ang pananakot na ginawa niya dito. Hindi naman sana niya intensyon na asarin ito. Ang gusto lang niya ay paliwanagan ito na delikado ang ginawa nitong pagsama sa mga kaibigan sa kung saan para makipagkita sa mga hindi personal na kilala ng mga ito. Mabuti na nga lang at dumating siya sa oras. Kung hindi ay napahamak na sana ang inaanak niya at paniguradong hindi iyon magugustuhan ng Mama nito. Kahit naman siya ay ayaw na mapahamak ang inaanak niya lalo na at nangako siya sa matalik na kaibigan na si Sandro na kahit na anong mangyari ay poprotektahan niya ang mag-ina nito. Pero dahil masyado pang bata ang inaanak niyang si Saraya ay