Sunod-sunod na tunog ng phone ang gumising kay Dwight isang hapon. Puyat na puyat siya at ilang gabi na siyang walang tulog na maayos matapos nilang mag-usap ni Isabel. Hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging epekto sa kanya ng sinabi nito. Matapos nilang mag-usap ni Isabel ay ilang araw lang ay sinabihan naman siya ng kaibigan niyang si Rike na ‘wag nang pumunta sa ERA. At nang tanungin niya ito ay walang pagdadalawang isip na sinabi ni Rike sa kanya ang totoong dahilan. Sinabihan raw ito ni Isabel na ‘wag nang ipapaalam sa kanya ang lahat ng mga ginagawa nito sa organization. Kulang na lang ay sabihin sa kanya ni Rike na ‘wag na siyang bumisita ulit sa ERA dahil tapos na ang business niya kay Isabel. It is obvious that Isabel is trying to cut ties with him. Hindi lang ang anak nito