Hindi maiwasan ni Saraya na bumuntonghininga matapos ibaba ang phone ng kaibigan niyang si Holy. Ilang araw na niyang sinusubukan na tawagan ang Ninong Dwight niya gamit ang cellphone ng mga kaibigan dahil kinuha ng Mama niya ang cellphone niya. Hindi alam ni Saraya kung paano nitong nalaman ang tungkol sa cellphone na binigay sa kanya ng Ninong Dwight niya. Isang gabi habang naghahanda siya sa pagtulog ay basta na lang itong pumasok sa kwarto niya na parang may hinahanap na kung ano. Iyon pala ay nalaman nito na may cellphone siya na ginagamit para ma-contact ang Ninong Dwight niya. Kinuha nito iyon ay sinabi sa kanya na ‘wag na ‘wag na niyang tatawagan at susubukang kontakin ang Ninong niya dahil wala na daw itong balak na bumalik pa at bumisita sa kanila. Sinabihan siya nito na kalimu