Hapon pa lang pagdating ni Saraya galing sa school ay ibayong lungkot na ang nararamdaman niya. Ang mga kaibigan niyang sina Holy at Mary ay kung anu-ano ang tinatanong tungkol sa kanila ng Ninong niya. Mas lalo lang tuloy siyang nalulugmok sa lungkot kaya may continuation pa ang pag-iyak niya hanggang sa bahay nila. “Ano ba kasing ginawa n’yo ni Dwight sa Maynila, Saraya? Baka naman may nangyari na sa inyo kaya hindi na siya interesado pa sa’yo? Naku! ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Ang mga lalaki talaga kapag nakuha na ang gusto ay bigla na lang mawawalan ng gana!” Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasalita ng mga kaibigan ni Saraya at hindi na naman niya maintindihan ang ilan sa mga tinutukoy ng mga ito. Humikbi siya at nagpunas ng luha habang kuryoso na nakatingin kina Holy at Mary na may