Alalang-alala si Dwight sa inaanak niyang si Saraya kaya nang tawagan siya ng guard sa building nila na naroopn na raw ito ay halos mapamura siya nang natagalan sa pagbukas ang elevator. “Fūck this lift! What’s taking it long to open?” Inis na bulalas niya habang sunod-sunod ang pindot doon. Gusto na niyang makita kaagad si Saraya at makita ang kalagayan nito. Hindi biro ang biyahe mula Laguna hanggang sa Maynila at alam niyang kahit kailan ay hindi pa ito nakakabiyahe sa malayo. Kaya hindi siya sigurado kung nakarating ba ito ng maayos doon. “What is it, Dwight?” Muling napamura si Dwight nang maramdaman niya ang ginawang paghawak sa kanya ng babaeng kasama niya. Halos makalimutan na niya ito nang tumawag ang guard sa kanya na naroon na sa ibaba si Saraya. Pero wala na siyang pakialam