Muling napakunot ang noo ni Saraya nang idikit ulit ng Ninong Dwight niya ang mga labi nito sa kanya. Kanina pa siya nag-iisip kung hinahalikan nga ba siya ng Ninong niya o sadyang dinidikit lang nito ang mga labi nito sa kanya dahil hindi naman gano’n ang paraan ng paghalik na napanood niya kasama ang kaibigan niyang sina Holy at Mary. Malayong malayo iyon sa mga itinuro sa kanya at sa mga natutunan niya. At ang labis na ipinagtataka ni Saraya ay kung bakit mukhang bawal siyang magsalita! Sa tuwing magsasalita siya ay idinidikit ng Ninong Dwight niya ang mga labi nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n ang kinikilos nito. Nagpunta lang siya sa Maynila ay bigla na itong nagbago! Mukhang hindi na ito ang Ninong Dwight niya na palaging gusto siyang makausap! Dito sa Mayn