Kakasimula pa lang ng klase nila Saraya sa tanghali ay hindi na mawala sa isip niya ang mga pinag-usapan nila ng mga kaibigan niya. Hindi tuloy siya nakapag concentrate sa unang dalawang subject sa hapon. Kaya nang magkaroon ng breaktime ay todo review siya sa mga pinag-aralan nila. Pero lumilipad talaga ang isip niya at hindi niya pa maiwasang silipin ang cellphone niya para tingnan kung nagreply na ba ang Ninong Dwight niya. Nang makita niyang wala kahit isang reply mula sa Ninong niya at hindi man lang ito sumubok na tumawag sa kanya ay mas lalong nainis si Saraya. Hindi kaya totoo nga ang mga sinasabi nina Holy at Mary na may girlfriend na ang Ninong Dwight niya kaya wala na itong oras para sa kanya? Kung gano’n nga ay mas lalong gusto niyang puntahan ito para personal na itanong ang