Nakangusong tinitigan ni Saraya ang screen ng cellphone niya matapos ang tatlong beses na pagsubok na tawagan ang Ninong Dwight niya. Simula pa lang kanina na natapos ang huling klase niya sa umaga ay nag-text na siya dito na lunch break na nila at kakain lang siya ng lunch kasama ang mga kaibigan niya pagkatapos ay tatawag na siya dito. Pero natapos na siya at lahat sa pagkain ay hindi man lang ito nag-reply sa text niya. Nang subukan naman niya itong tawagan ay hindi naman nito iyon sinasagot. Matatapos na lang at lahat ang lunch break nila ay hindi man lang niya nakausap ang Ninong niya! Sabik na sabik pa naman siya parati na magkaroon ng breaktime para magkaroon siya ng pagkakataon na i-text o tawagan ito. Pero mukhang hindi man lang siya nito naalalang i-text at tanungin kung nakaka