Kung hindi pa tinapik ni Isabel ang braso ni Dwight ay hindi pa siya magigising. Ilang sandali pa siyang napatitig sa mukha ni Isabel bago niya tuluyang napagtanto kung nasaan siya ng mga oras na ‘yon. Babangon na sana siya pero agad na natigilan dahil sa braso na nakakapit sa leeg niya. Nang lingunin niya iyon ay muntik pa siyang mapasinghap nang bumalandra sa harapan niya ang sobrang lapit na mukha ng inaanak niyang si Saraya! Tumatama na ang mainit na hininga nito sa mukha niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya! Hindi siya makapaniwala na nakatulog siya sa ayos nilang dalawa ngayon! Kanina lang ay halos tawagin niya na ang lahat ng kilala niyang Santo dahil basta na lang siyang kinabig ni Saraya para tabihan ito sa pagtulog. Oo nga at bata itong hamak sa kanya at inaanak