Nakapagluto na ng hapunan si Saraya ay wala pa rin ang Mama niya. Bumuntonghininga siya at muling nakaramdam na naman ng kung anong kaba dahil naiisip niyang baka gabihin na naman ito at makatulugan na naman niya ang paghihintay. Nang mapatingin siya sa oras at makitang medyo maaga pa naman para kumain siya ng hapunan ay bumalik muna siya sa bakanteng kwarto at nagpasyang doon na lang ubusin ang oras habang naghihintay sa Mama niya. Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay nakita na niyang umiilaw ang phone ni Holy. Nang maalala niya ang ginawang panenermon ng Ninong Dwight niya sa kanya kanina nang tawagan niya ito ay agad na napasimangot si Saraya. “Hindi na talaga kita tatawagan kahit kailan, Ninong!” Naiinis na bulalas niya habang padabog na umuupo sa ibabaw ng kama. Muling tumunog ang p