Hindi pa nangangalahati si Saraya sa paglilinis sa bakanteng kwarto ay tinatamad na siyang magpatuloy lalo na at naiisip niyang mamayang gabi ay mag-isa na niyang matutulog doon. Kulang na lang ay magdabog na siya habang naglilinis. Hindi pa man nangangalahati ang bakasyon sa eskwela ay sobrang dami ng nangyari na hindi niya nagustuhan! Iniisip niya na kung puro pangit lang ang mangyayari sa pagbabakasyon niya ay sana pala ay hindi na lang nagbakasyon sa eskwela! Sa buong oras na ginagawa niyang paglilinis sa bakanteng kwarto ay nakasimangot siya. Hindi niya alam kung maayos ba ang ginawa niyang pagliligpit sa ilang mga gamit na nakatambak doon. Doon kasi niya tinatambak ang mga gamit na hindi naman niya madalas gamitin. Mukhang kahit ang Mama niya ay ginawa ng imbakan ng kung anu-ano an