Maagang-maaga pa lang ay gumising na si Saraya para ihatid sa gate ang Mama niya. Kagabi pa lang ay naghanda na ito ng dalawang malaking maleta para sa mga gagamitin nito sa ilang linggo na pagtatrabaho. Matagal-tagal daw itong hindi makakauwi kaya kuntodo bilin ito sa kanya na kung may problema o kaya ay may kailangan siya ay tumawag lang siya sa number nito. Binalik na rin nito ang cellphone na binigay ng Ninong niya para magkaroon sila ng communication habang wala ito. “‘Wag na ‘wag kang magpapapasok dito sa bahay ng hindi mo kilala, Saraya. Pinagbilin na kita sa mga kapitbahay. Pinakiusapan ko na sila na punta-puntahan ka dito sa bahay habang wala ako,” tuloy-tuloy na bilin ng Mama niya habang hinahanda nito ang mga gamit nito na ilalabas. Tumango lang si Saraya. Masyado pang maaga