Kabanata 57

1620 Words

Awang ang bibig ni Dwight habang hindi makapaniwalang nakatingin sa tauhan niyang si Roger matapos itong magtanong ng hindi niya inaasahan! Mukhang nababaliw na ito at napag-isipan pa siyang papatol sa sarili niyang inaanak! “Anong… Anong sinasabi mo d’yan, Roger?!” hindi na nakapagpigil na bulalas niya. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Alam mong inaanak ko lang si Saraya!” tuloy-tuloy na paliwanag pa niya. Nagkamot sa batok si Roger at saka nagtatakang napatingin sa gawi nila Saraya at mga kaibigan nito. “Pero umiyak si Saraya dahil break na daw sila ni Dwight–este ng boyfriend niyang si Dwight. Hindi ikaw, Sir…” mahinang sambit nito kaya halos mapatutop siya sa noo. Ilang sandaling natahimik silang dalawa ni Roger bago ito muling nakapagsalita. “Mukhang mawawalan na talaga ng pag-asa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD