Pag-uwi ni Dwight sa apartment ay sobrang dami na nga niyang iniisip ay dumagdag pa sa gumugulo sa isip niya ang Mommy niya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit bigla siya nitong ipinagtutulakan na mag-asawa. Akala ba nito ay may maidudulot na maganda sa buhay niya ang pag-aasawa? “Where are you, Dwight? I heard you are not staying in your condo? Nasaan ka? Are you having a pretty good time with my future manugang?” tuloy-tuloy na usisa nito sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito. Bumuntonghininga si Dwight. Alam niya na kung hindi niya sasagutin ang tawag ng Mommy niya ay mas lalo lang siya nitong kukulitin. Ang masama ay ipahanap pa nito at alamin ang identity ni Saraya kaya kung kinakailangan na bolahin niya ito ay gagawin niya para lang ‘wag na itong mag-usisa pa tungkol sa