Kanina pa naiinis si Saraya. Nalulungkot na nga siya nang magpunta si Holy sa bahay nila at sabihin na kukuhanin na nito ang cellphone nito pagkatapos ay wala pa siyang matinong sagot na nakuha sa Ninong Dwight niya kung kailan ito ulit bibisita sa bahay nila. Isang linggo na ang lumipas simula noong huling bumisita ito sa bahay nila. Hindi naman niya ito gaanong na-missed dahil halos araw-araw ay kausap niya ito sa cellphone. Madalas rin silang magpalitan ng text message kaya hindi niya namalayan na isang linggo na pala ang lumipas at halos patapos na ang bakasyon sa eskwela. Hindi rin niya gaanong naramdaman ang lungkot dahil sa palaging pag-iisa sa bahay nila dahil araw-araw na umaalis ng bahay ang Mama niya para magtrabaho. Masyado siyang nalibang dahil palagi niyang kausap ang Ninon