“So, the rumours are true that you are getting married, Dwight…” Kulang na lang ay maibuga ni Dwight ang kinakain niya nang tapikin siya sa balikat ng Prosecutor General. Bihirang-bihira siyang kumain ng lunch sa cafeteria ng judicial complex dahil madalas ay nasa field siya at kung sino-sino na mga law enforcers ang kasama. Nagkataon naman na kung kelan siya kumain doon dahil kailangan niyang mag-stay sa opisina para abangan ang pagdating ng uncle niya na Judge ay saka naman niya nakita ang head nila. Hindi tuloy niya alam kung paanong iiwasan ito at mas lalong hindi niya alam kung paanong iiwasan ang pagtatanong nito tungkol sa dahilan ng pag-file niya ng leave of absence. Wala naman siyang plano na ipakalat ang tungkol sa rason kung bakit siya magbabakasyon. Iyon lang ang napili niya