Hindi makapaniwala si Dwight na isang teenager lang na nagtatangka na manligaw sa inaanak niya ang magpapainit sa ulo niya. Nagdaan din naman siya sa ganung edad pero hindi naman siya namilit ng babae o basta na lang nanghalik ng babae ng walang paalam. Pero matindi ang manliligaw na iyon ni Saraya. Kung hindi lang siya nakapagpigil ay nadakot na niya ang mukha nito dahil sa pagtatangka nitong halikan ang inaanak niya! Kung bakit naman kasi ang tigas ng ulo ni Saraya. Kung nakinig lang sana ito sa bilin niya na sabihan ang manliligaw nito na hindi pa ito pwedeng mag-boyfriend ay hindi sana mangyayari iyon. Tuloy-tuloy na hinila ni Dwight si Saraya papasok sa kwarto nito. Masyadong maraming bisita kaya ayaw niyang pagsabihan ito na maraming nakakarinig lalo na at kinailangan niya pang ma