Nasa sasakyan pa lang si Dwight kasama ang tauhan niyang si Roger ay hindi na niya mapigilan ang sariling panoorin ang bawat kilos nito. Papunta sila sa school ni Saraya dahil magpapaalam daw ito bago lumuwas pabalik sa Maynila. Halata sa mukha nito ang excitement kaya hindi niya mapigilan na palihim na mairita. Mamaya pa sana niya balak na pumunta sa school para makausap ang class adviser nila Saraya tungkol sa competition na sasalihan nito pero dahil gusto niyang makita kung paanong magpapaalam si Roger kay Saraya ay sumabay na rin siya! “Ikaw, Sir Dwight? Hindi ka ba magpapakita kay Saraya?” Natigil lang sa pag-iisip si Dwight nang magsalita si Roger. Kumunot ang noo niya at agad na naisip ang sinabi nito. Wala naman talaga siyang balak na magpakita kay Saraya. Pupunta lang siya sa s