Kanina pa tulala si Dwight simula noong nakauwi siya sa condo niya. Hindi siya matahimik at masakit na ang ulo niya sa pag-iisip sa biglaang nangyari sa uncle niya pagkatapos ay dumagdag pa itong si Isabel na mukhang may plano pa yatang magbuwis ng buhay para lang mahuli at makulong ang ama nito. Hindi niya kahit kailan naisip na gagawin ni Isabel ang gano’n ka-delikado at komplikadong bagay para lang mapigilan ang ama nito sa mga masasama nitong plano. Kung nag-iisa lang ito sa buhay ay maaari naman nitong gawin iyon. Kung walang ibang tao na maapektuhan kapag may nangyaring masama dito ay ayos lang sana. Ang ikinaiinis niya ay ang pagiging padalos ni Isabel sa pagdedesisyon. Hindi man lang yata nito naisip ang kalagayan ng anak nitong si Saraya. Paano kung mapahamak ito sa misyon? Paan