Sa ilang linggo na lumipas ay walang ginawa si Dwight kung hindi ang kausapin si Isabel tungkol sa ginagawa nito kasama ang espionage organization na ERA. Paulit-ulit niyang pinapaalala dito ang kaligtasan nito at kung ano ang mga panganib na pwede nitong kaharapin. Hindi rin niya nakaligtaan na banggitin ang nag-iisang anak nito na si Saraya. Pero mukhang buo na talaga ang desisyon nito na wakasan ang mga masasamang ginagawa ng ama. Kaya kahit na alam nito ang panganib sa paparating na misyon na gagawin ay hindi pa rin ito tumigil sa pagsabak sa mga training na pinapagawa ng ERA. Dumadagdag din sa isipin niya ang pamilya na mukhang walang pakialam sa mga sinasabi niya tungkol sa posibleng mabigat na pinagdadaanan ng uncle niya. Nakalabas na ang uncle niya sa hospital pero hanggang sa ng