Hindi mapigilan ni Saraya ang ngiti niya habang sabay silang naglalakad ng Ninong Dwight niya pabalik sa bahay nila. Mabuti na lang at naabutan niya pa ito bago ito nakabalik sa Maynila. Hindi niya kayang isipin ang lungkot na mararamdaman niya kung sakaling hindi na ulit bibisita ang Ninong niya sa kanila. Kanina pa lang nang sabihin sa kanya ng Mama niya na matatagalan ang Ninong niya bago muling bumisita sa kanila ay hindi niya maintindihan ang naramdaman niya. Parang may kung anong kumurot sa loob ng dibdib niya at sobrang nalungkot siya sa balitang ‘yon. Sa sobrang lungkot niya ay hindi na niya napigilang umiyak nang naabutan niya pa ito. Kung hindi siguro niya naabutan ang Ninong niya ay nag-iiyak na siya sa Mama niya para lang ibigay sa kanya ang address nito sa Maynila. Pakiramda