Nagising si Saraya na wala na sa tabi niya ang Ninong Dwight niya. Kung hindi pa niya narinig ang boses ng Mama niya na mukhang nakikipag-usap sa kapitbahay nila ay iisipin niya na wala pa rin ito. Agad na nakaramdam siya ng excitement dahil umaga na at kitang-kita na niya ang taas ng sikat ng araw sa labas. At dahil nariyan ang Ninong niya ay pwede na niya itong yayain na samahan siya sa pagpunta at paliligo sa ilog. Mabilis ang kilos na bumangon si Saraya. Isipin niya pa lang na makakaligo na ulit siya sa ilog ay sobrang nasasabik na siya. “Mama!” Palabas pa lang siya sa kwarto ay sumisigaw na kaagad siya at tinatawag ang Mama niya. Nang makita niya ito na kasalukuyang papasok sa bahay nila ay ngiting-ngiti siya at sinugod kaagad ito ng yakap. “Miss na miss kita, Mama! Anong oras ka