Kabanata 28

2105 Words

Sobrang nawiwirduhan si Saraya sa kinikilos ng Mama niya simula noong dumating ito galing sa nilakad nitong mga requirements na kakailanganin nito sa papasukang bagong trabaho. Kanina nang inihatid siya pabalik ng Ninong Dwight niya ay tuloy-tuloy na sinermonan siya ng Mama niya at bigla na lang tumigil nang may tumawag na kung sino dito. Habang kumakain sila ay tahimik na tahimik naman ang Mama niya kaya pakiramdam tuloy niya naguguilty siya dahil wala na siyang ginawa kundi ang magpasaway dito. Mukhang pagod na pagod pa naman ang Mama niya sa inayos nitong requirements maghapon pagkatapos ay binigyan niya pa ito ng sakit ng ulo. Kaya nang matapos silang kumain at natapos niyang hugasan ang mga pinggan ay kinausap niya ito para humingi ng pasensya dahil sa ginawa niyang hindi pagpapaa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD