Kanina pa tunog nang tunog ang personal phone ni Dwight at kanina pa siya naiirita dahil alam na alam niya ang dahilan ng paulit-ulit na pagtawag ng Mommy niya.
Malamang na sa mga oras na ‘yon ay nasabihan na ito ng mga kasambahay nila na wala siya sa sarili niyang kwarto. Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa isip ng ina dahil biglaan nitong naisip na paligawan ang anak ng bestfriend nito na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. Isang beses lang umuwi sa Pilipinas ang kaibigan nito kasama ang nag-iisang anak na babae ay bigla na kaagad naisip ng Mommy niya na mag-asawa na siya. And for God’s freaking sake! Hindi pag-aasawa ang priority niya sa buhay! Kung kailan nahanap na niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap ay saka pa naisipan ng Mommy niya na guluhin ang isip niya. Besides, he just turned thirty two last month! Hindi naman sana siya babae para kabahan na magka edad at mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng anak! Lalaki siya at masyadong active ang sēx life niya para kabahan siya na hindi siya makakabuo ng magiging apo ng Mommy niya sa kanya!
Nang makababa siya sa bus na sinakyan niya mula Manila hanggang sa Laguna, kung saan naroon ang bahay ng babaeng ilang taon na niyang hinahanap, ay saka lang tumigil sa pagtunog ang phone niya. Bumuntonghininga si Dwight nang muling tumunog ang phone niya at nakita niyang galing sa Mommy niya ang message. Mukhang naubusan na ito ng pasensya dahil sa ginawa niyang paulit-ulit na hindi niya pagpansin sa tawag nito kaya nagpasya na lang na mag-send ng message.
Pumara muna siya ng jeep at sumakay doon bago niya binasa ang mensahe ng ina.
Mommy:
Kung balak mo pang uwuwi dito at maging anak ko ay dapat na may ipakilala ka na matinong babae sa akin! ‘Wag na ‘wag kang magbabayad ng babae para lang may ipakilala sa akin, Dwight! Nagawa na ng mga kuya mo ‘yan! Ibahin mo naman ang style mo kung ayaw mong itakwil kita!
Napangiwi si Dwight nang mabasa ang buong mensahe ng Mommy niya. Naiiling siya dahil sa kung anu-anong pinag-iiisip nito.
And why the hell would he pay someone just to pretend to be his girlfriend? That was so lousy! Kahit kailan ay hindi siya nahirapan pagdating sa mga babae. Kung may isang bagay siyang alam na alam gawin ay iyon ay mambola ng mga babae!
Naiiling na ibinulsa niya ang phone at saka kinuha sa bulsa ang isang maliit na papel kung saan niya sinulat ang eksaktong address ng babaeng hinahanap niya.
Sa totoo lang ay hindi niya akalain na sa loob ng labing anim na taon ay magpapakita pa ito sa kanya. Halos ubusin niya ang buong panahon niya sa paghahanap dito pero nakatapos na siya at lahat sa pag-aaral at nakapagtrabaho ay hindi pa rin niya ito nakikita. Hindi niya akalain na sa dami ng taong inutusan niya para palihim na maghanap dito ay wala ni isa sa mga iyon ang nakahanap sa babae. At ngayon niya lang napagtanto na kaya hindi niya ito nahanap sa loob ng matagal na panahon ay dahil nagpalit ito ng pangalan at piniling mabuhay bilang isang pangkaraniwang tao.
Malayong-malayo sa talagang buhay at pagkatao na kinagisnan nito…
Kung hindi pa ito tumawag mismo sa kanya, na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung paano nitong nalaman ang contact number niya, ay malamang sa malamang ay hinahanap niya pa rin ito para tuparin ang isang pangako na binitawan niya sa matalik niyang kaibigan bago ito tuluyang nalagutan ng hininga.
Huminga ng malalim si Dwight at pansamantalang inalis sa isip ang tungkol doon. Hindi siya pamilyar sa address na ibinigay nito kaya dapat ay mag-focus siya sa biyahe.
“Dito ka na bumaba, Hijo. May mga tricycle na pumapasok sa looban pero hanggang sa bukana ng ilog ka lang ibababa. Lakarin mo na lang mula doon dahil hindi pumapasok ang mga sasakyan sa looban dahil matarik ang daan,” sambit ng matandang babae na nakatabi niya sa jeep. Mabuti na lang at nakilala kaagad nito ang address na sinabi niya kaya itinuro nito kung paano siya makakapunta doon.
Nagpasalamat lang siya sa matanda bago tuluyang bumaba sa jeep at naghanap ng tricycle na pwedeng maghatid sa kanya sa loob. Kung titingnan niya ay mabundok ang parte ng lugar kung saan nakatira ang babae. Mukhang maingat na pinili talaga nito ang lugar na iyon para hindi ito ma-exposed sa mga tao. Hindi tuloy maiwasang isipin ni Dwight kung aware ba ang babae sa panganib na kakaharapin nito kung sakaling mahanap ito ng mga taong bukod sa kanya ay matagal nang naghahanap dito.
Ipinakita niya sa tricycle driver ang address ng bahay na nakasulat sa papel na hawak niya. Ilang beses na tumingin pa ito sa mukha niya bago nagtanong.
“Kaano-ano ka ba ni Isabel? ‘Wag mong sabihin na ikaw ang tatay ni Saraya?” kunot na kunot ang noong tanong nito sa kanya. Muntik pa siyang mapaubo dahil sa naging tanong nito.
Kung hindi siya nagkakamali ay ang batang tinutukoy nito ay ang inaanak niya na kahit kailan ay hindi pa niya nakita.
Mabilis na umiling si Dwight. “Hindi ho. Kaibigan lang ho ako ng asawa ni Isabel. Ano… Ninong ako ni… ni Saraya…” sambit niya at saka ngumisi ng alanganin. Kahit na bagong-bago lang sa pandinig niya ang mga pangalan ng mag-ina ay dapat na ‘wag siyang magpahalata na ngayon niya pa lang makikilala ang mga ito. Kailangan ay walang mag-isip na kahit na sinong nakakakilala sa mag-ina na estranghero siya sa mga ito at ganun din naman ang mga ito sa kanya.
“Ahh! Pasensya ka na, Boss! Akala ko kasi ikaw ang tatay ng batang si Saraya. Magandang lalaki ka kasi. Magandang bata kasi kaya inakala kong magandang lalaki ang ama…” paliwanag nito. Ngumisi lang siya at saka sumakay na sa loob ng tricycle.
Ilang beses yatang napadaing si Dwight dahil ilang beses siyang nauntog sa tricycle habang bumabyahe sila papasok sa loob ng lugar na ‘yon. Bukod sa hindi siya gaanong magkasya sa tricycle dahil sa taas niya ay hindi pa maganda ang daan kaya hilong-hilo siya kahit na nga ba hindi naman gano’n kalayo ang binyahe nila.
“Hanggang dito na lang, Boss. Hindi na kayang pumasok sa looban. Pero madali mo namang mahahanap ang bahay nila Isabel. Iilan lang naman ang mga kabahayan doon,” paliwanag ng tricycle driver sa kanya matapos siyang bumaba. Binigay niya ang bayad at saka huminga ng malalim nang makita ang paligid.
Hindi niya lubos maisip kung paanong kinaya ni Isabel ang manirahan sa liblib na lugar na ‘yon. Mukhang hindi na kailangan pang magtanong ni Dwight kung kamusta ang naging buhay ng mga ito dahil sa lugar pa lang na pinagtataguan ng mga ito ay masasabi na niyang mahirap.
Napangiwi siya nang mapahawak sa noo na napalakas ang pagkakauntog kanina. Luminga siya sa paligid at naghanap saglit ng pwedeng pag-upuan para mag relax saglit at manigarilyo.
Sa kakalinga niya ay nakita niya ang tatlong dalagita na tumatakbo papunta sa kung saan. Nang mapatingin siya doon ay natanaw niya ang ilog na sinasabi ng matandang nakasakay niya sa jeep. Tumango-tango siya at nagsimulang maglakad papunta doon.
Agad na dumukot siya ng sigarilyo sa bulsa at nagsimulang sindihan iyon. Fresh na fresh ang hangin kaya mabilis na na-relax siya.
Tawanan ng mga dalagitang nakita niyang tumatakbo kanina ang narinig niya kaya napatingin siya sa gawi ng mga ito. May mga lalaki rin silang kasama kaya naisip ni Dwight na hindi naman liblib masyado ang lugar lalo na at may mga kabahayan din malapit sa ilog.
Hanggang sa hindi na niya namalayan na nalibang na siya sa panonood sa mga kabataan sa gilid ng ilog. Nakangisi siya habang nakatingin sa mga ito na mukhang tumakas pa yata para makipag-date!
Naubos na ang isang sigarilyo at balak na sana ni Dwight na umalis pero natigilan siya nang makitang iniwan ng dalawang babae ang isang kasama ng mga ito. Mas lalo siyang natigilan nang sumigaw ng tulong ang dalagita.
“These bastards…” mariin at gigil na bulong niya nang makitang naghubad ang isang lalaki habang hawak-hawak ng dalawang lalaking kasama nito ang dalagita.
Napamura sa isip si Dwight. Kararating niya pa lang sa lugar na ito ay mukhang mapapaaway na naman siya dahil sa kalokohan ng mga kabataang lalaki sa lugar! Hindi siya makapaniwala na kahit sa ganito ka liblib at malayong-malayo sa buhay na nakasanayan niya sa siyudad ay may makikita pa siyang ganito.
Hindi na nagdalawang isip si Dwight at sinindak ang mga kabataang lalaki. Mabuti na lang at hindi sumubok na manlaban ang mga ito dahil kung manlalaban man ay hindi siya magdadalawang isip na turuan ng leksyon ang mga ito dahil sa ginawa ng mga ito sa dalagita.
“Hindi nga ako si Holy!” sigaw ng dalagita. Hindi tuloy naiwasan ni Dwight na mapatitig sa mukha nito. Mestisa ito at kitang-kita niya ang pamumula ng mga pisngi dahil medyo nabilad na sa araw. Pasado alas dyes na ng umaga kaya mataas na mataas na ang sikat ng araw.
Napatingin siya sa katawan ng dalagita at hindi niya matukoy kung ilang taon na ito. Mukhang bata ang mukha nito pero ang malaking bulas kaya parang dalaga na ang pangangatawan. Napalunok siya at agad na sinupla ang isip nang mapatitig siya sa leeg nito na medyo may pawis na. Aminado naman siyang kahinaan niya ang mga babaeng nagpapakita ng leeg at batok pero masyado naman yatang bata ang babae sa harapan niya kaya dapat ay hindi siya nakakaramdam ng atraksyon para dito!
Kung hindi pa tumakbo ang dalagita ay hindi pa siya matitigil sa paninitig dito! Para siyang nahipnotismo ng bahagya kaya nang tuluyang mawala ang dalagita sa paningin niya ay ibinaling niya ang inis sa tatlong lalaki na muntik nang sumalbahe dito!
“Kapag nakita ko pa kayo dito, ilulunod ko kayo sa ilog na ‘yan!” mariing banta niya sa mga ito. Pinanood niya ang mga ito na kumakaripas ng takbo palayo sa gawi niya!
Nagpatuloy si Dwight sa paglalakad sa looban para hanapin ang bahay nina Isabel. Pawis na pawis siya nang sa wakas ay makita ang bahay ng mga ito.
“Prosecutor Dwight Ortega?”
Buong pangalan niya kaagad ang sinalubong ni Isabel sa kanya nang tuluyang makaharap niya ito. Marahan at pormal na tumango siya.
“Yes, Miss Razon…” sambit niya habang nakatingin ng diretso sa babae. “Sa wakas ay nagkaharap din tayong dalawa…” pagpapatuloy niya at pormal na naglahad ng kamay dito. Ngumiti ito at saka tinanggap naman ang pakikipagkamay niya.
“No need to be so formal here. You see… I am living as a normal person here in the countryside. Hindi mo kailangan na itrato ako kagaya ng pagkakakilala mo sa pamilya ko,” tuloy-tuloy na sambit nito at muling nagsalita. “Call me Isabel. Isabel Luis…” pagtatama nito at saka humakbang palabas dahil may naghahanap na kapitbahay dito.
Nang lumabas si Isabel ay nakaramdam si Dwight ng uhaw kaya hindi na niya hinintay si Isabel at basta na lang tumayo para magtungo sa kusina at uminom ng tubig. Sa layo ng nilakad niya habang tirik na tirik ang araw ay halos manuyo ang lalamunan niya sa sobrang uhaw.
Agad na nakita niya ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig mula doon. Tuloy-tuloy na uminom siya hanggang sa tuluyang mapawi ang uhaw na nararamdaman niya.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom nang bumukas ang pinto sa harapan niya.
“Mama! Mukhang sira na naman ang gripo! Tuloy-tuloy ang–”
Hindi na natapos ng babaeng lumabas mula doon ang pagsasalita nang mapatingin ito sa kanya. Halos magkandasamid-samid si Dwight nang makita sa harapan niya ang dalagita na nakita niya kanina sa ilog.
Nakatapis lang ito ng twalya at mukhang nasa kalagitnaan pa lang ng paliligo ay lumabas na sa banyo!
Mukhang takang-taka pa ito habang nakatingin sa kanya pero si Dwight ay agad na nakuha ang sitwasyon.
Ang dalagitang muntik nang mapahamak sa ilog ay walang iba kundi ang inaanak niyang si Saraya!
“Ikaw…” mariing sambit niya nang maisip ang posibleng ginawa nito kanina sa ilog. Mukhang palihim pa yatang nakikipag-date ang inaanak niya dahil sigurado siyang hindi iyon alam ng ina nito!
“Sinundan n’yo po ba ako dito para… para isumbong kay Mama?!” bulalas nito na hindi na niya nagawang sagutin dahil narinig na niya ang boses ni Isabel. Nanliit ang mga mata ni Dwight nang ibalik ang tingin sa inaanak niya.
“Ikaw…” mariin pero mahinang sambit niya dito. “Hindi alam ng Mama mong nakikipag-date ka ano?” patuloy na sita niya dito. Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata nito bago mabilis na umiling sa kanya.
“Hindi naman–”
“Saraya, nandyan ka pala…” sambit ni Isabel nang makita silang dalalawa. “Tapos ka na bang maligo? Magbihis ka na para makilala mo ang Ninong mo…” pagpapatuloy nito. Nang ibalik niya ang tingin kay Saraya ay halos mamutla na ito habang nakatingin kay Isabel. Tumaas ang kilay niya nang ibalik nito ang tingin sa kanya.
“Ni… Ninong?!” bulalas nito na mukhang hindi pa makapaniwala sa narinig.
Muling nanliit ang mga mata ni Dwight habang nakatingin kay Saraya na hindi maitago ang kaba habang nakatingin sa kanya.
Hindi siya makapaniwala na sa lahat ng pwedeng maging inaanak ay ito pa ang napunta sa kanya!
Halos kilabutan siya nang maisip na kanina lang ay natukso siyang titigan ito dahil sa ganda ng mukha at katawan!
Kulang na lang ay umusal siya ng paulit-ulit na panalangin dahil sa ginawa niyang pagnanasa dito kanina!