BIHIRA lang magkasalisihan ang landas namin ng mga kasamahan kong binibini rito sa mga mansyon. Abala ang lahat sa paghubog ng kanilang mga talento at kabilang na ako roon. Si Oier ay madalas ko ring makita sa mansyon, ngunit bihira lang din siyang bumibisita tuwing gabi. Ang narinig kong usapan, palagi siyang overtime sa trabaho dahil sa nananalapit na pag paglulunsad ng kanilang bagong produkto. Ngunit kung magkakaroon siya ng pagkakataon, hindi niya gustong sayangin ito na makapasok at makatulog sa kwarto ko. Nalulumbay din naman ako sa tuwing wala kaming oras o panahon para sa isa’t isa. Kinatatakutan ko na baka masanay ang katawan at isipan ko na pagiging malapit namin sa isa’t isa sa bawat oras at minutong dumaraan. Madaling araw nang ako’y magising, kinapa ko ang aking tabi upan