bc

You may Kiss the Groom (Tagalog)

book_age16+
18.4K
FOLLOW
234.0K
READ
billionaire
family
opposites attract
drama
tragedy
sweet
bxg
mystery
secrets
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

THE GONCUENCO'S SERIES #2

Simpleng dalagang novitiate lamang si Celestine Donato na naninirihan sa isang Monasteryo sa Italya. Nabasag ang tahimik na buhay nang maakusakang isa sa mga lumabag ng batas sa loob. Ang akala'y katapusan, isa pa lang dahilan upang makabalik siya sa kanyang dating bansa-- Ang Pilipinas.

Siya'y tutulungang makabalik ni Mother Superior Olivia sa Monasteryo kapag naidala ng dalaga ang nawalay na anak nito sa kanya. Ang hindi alam ni Celestine, ang hahanapin niyang tao ay isang binatang bilyonaryo, matipuno, mapanuya, at off limit na si Oier Goncuenco. At ang tanging paraan lamang upang maabot ito ay sumali sa isang paligsahan kung saan makikipagtunggali siya laban sa mga binibining nais maikasal kay Oier. Ang maswerteng binibini na mananalo at mapipili ay siyang nakatakdang ikasal sa naturang binata.

Makakabalik pa kaya siya sa Monasteryo kung ang kalakip ng naturang misyon ay ang paglimot ng pinangarap na propesyon?

Content rating: R-16

chap-preview
Free preview
Panimula
NAPATINGIN ako sa pulang karpet na nakalatag sa hagdan na may kulay gintong kumikinang na baranda at sa malaking aranya (chandelier) na nagbibigay kulay kahel na liwanag sa malawak na silid ng salas. Ang mga mamahaling palamuti na may disenyong medyebal sa bawat sulok nama'y nagbibigay ganda sa buong kapaligiran. Ang mga antigong muwebles ay bumabagay sa kahel na liwanag ng aranya (chandelier). Hindi ako makapaniwala na mayroong ganitong kalawak at kagandang mansyon sa Pilipinas. Nahinto ang mga mata ko at pinagmasdan ang napakalaking painting ng isang matipunong lalakeng may suot na maskara na nakapaskil sa matayog na dingding. Nagmistula siyang haring nakaupo sa kanyang trono. Nakahilig siya sa kanyang inuupan habang ang paa nama'y naka dekwatro. Nakakahalina ang kulay abong mga mata nito sa likod ng maskara. May kung anong pakiramdam sa aking kaloob looban ang hindi ko maunawaan ngunit kasabikan lamang ang natatanging sigurado. Sa ikalawang palapag, ang mga nabibilang sa kamay na mga panauhing nakasuot long gowns ay nakatanaw sa ibaba ng terrace kung saan kami nakatayo. Magaganda ang kanilang mga kasuotan kung kaya't hindi maitatangging kabilang sila sa mga mayayaman dito sa Pilipinas.  Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa makintab na muwebles sa aking giliran. Kagaya ng mayayaman na iyon, nakasuot din ako ng long gown na hapit na hapit sa aking katawan at nakabukas na likuran. Ito ang unang pagkakataon na nagpakita ako ng aking balat kung kaya't pinagdadasal ko na matapos ang araw na ito na hindi ako pinapangunahan ng kaba at pagiging hindi kumportable ng aking ayos. "Si Donya Elester Goncuenco ba 'yan?" Tanong ng isang binibini sa aking giliran.  "Perhaps," Kibit balikat na tugon ng isa. Dumapo ang paningin ko sa babaeng matuwid at magalang kung maglakad pa ibaba sa hagdan. Nakaayos pa itaas ang kanyang buhok, nakasuot siya ng modernong kulay puting baro't saya, at may dala dala siyang maitim na abanikong hindi pa niya na bubuksan. Nag e-echo naman ang tunog ng kanyang heels sa bawat hakbang niya sa hagdan. Domoble ang aking kaba nang sumisigaw ang karangyaan at kahigpitan sa kanyang katauhan. Binuksan niya ang abaniko at lumapit sa amin. Katulad ko, ang mga binibini sa aking giliran ay kinakabahan na rin. Para kaming mga sundalong nakaayos ang tindig habang pinagmamasdan ng mataas na opisiyales. “Good evening, ladies.” Umalingawngaw ang kanyang madilim na boses nang batiin kami.  Nakayapos sa isa't isa ang kanyang mga palad habang isa isa kaming sinisiliban ng kanyang mapangahas at mapanuring titig.  "Hindi makakarating si Donya Elester kung kaya't ako ang magiging kapalit niya ngayong gabi. I'm your adviser Primadonna Rinacales, o iyong tatawaging Maestra Prima. Ako ang magsisilbi ninyong taga payo at magtuturo ng mga bagay na kakailanganin upang maging isang ganap na binibining nanaisin ng aming kamahalan." Aniya sa malalim na salitang tagalog.  Nagkatinginan kaming lahat ng mga kalahok. Binalot ng usap-usapan ang buong mansyon. Pumalakpak si Maestra Prima dahilan ng pananahimik ng lahat.  "Ang unang mechanics ng patimpalak, kinakailangan ninyong manirahan sa iisang bubong sa loob ng anim na buwan. Magkakaroon tayo ng elimination round sa bawat buwan kung saan ang isang kalahok ay maaaring matanggal at hindi na puwedeng magpatuloy sa susunod na buwan." Pahayag niya at dahan dahang naglakad sa aming harapan habang pinapaypay sa sarili ang hawak na abaniko. "Exciting..." Bulong iyon ng isang kalahok na matangkad at may makintab na kayumangging balat. Lumapit si Maestra Prima sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Napuna ko ang kanyang pagdiin ng pagsara ng kanyang labi at pagtuwid lalo ng tindig na wari'y na alarma nang marinig ni Maestra Prima na magsalita. "Iyon ay kung pagkatapos mabigo sa ibinigay gawain sa bawat elimination round." Patuloy niyang pahayag. Umalis siya sa harapan ng naturang binibini ay muling naglakad sa aming harapan sa kabilang direksyon naman. Nahinto siya sa gilid habang isa isa kaming sinusuri. Wala na kahit anong emosyon ang kanyang mukha. Hindi mo mabasa kung ano ang nasa isipan niya. "Napakadali," komento ulit ng naturang binibining nilapitan niya kanina. Ngumisi si Maestra Prima at isinara ang kanyang abaniko. "Mahigpit kong ipinagbabawal ang paglabas masok ng mansyon gabi-gabi." Tinuro niya ang malaking gate sa labas na hindi kalayuan mula sa mansyon. "Tandaan, iisang beses lang kayong maaaring makalabas ng gate na iyan, Ang mahuhuli ng tatlong beses ay awtomatikong mapapatalsik sa patimpalak na ito." Humalukipkip siya at muling naglakad sa aming harap at natigil sa aming gitna ng binibining kanina pa tahimik. "What?" mahina namang utas ng babaeng iyon. Hindi lang ako ang nakakapansin sa kanyang kakaibang katangian. May naririnig ako sa mga madla ang bulong bulungan tungkol sa kanya. May mga magaganda, mayroon din naman hindi kaaya aya.  Kung ako naman ang tatanungin, hindi problema sa akin ang manirahan nang hindi lumalabas dahil nasanay na ako sa tatlong taong pananatili sa Italya. "Mahigpit ko ring pinagbabawal ang pambabastos sa kapwa kalahok at sa buong pangkat ng mga naninilbihan sa mansyon na ito, paglalasing ng hating gabi man o umaga, pagsisigaw, at higit sa lahat, ang pakikipag-away." Natuon ang kanyang paningin sa akin. Pasimple akong napasinghap nang maramdaman ang kaba sa dibdib. Lumapit siya sa akin at itinaas ang aking baba gamit ang kanyang hintuturo. "Wear always your confidence, ladies. Kung talagang pursigido kayong manalo ay hindi dapat kayo pinapangunahan ng kaba at takot. Hindi nanaisin ng kamahalan ang binibining walang tiwala sa kanyang sarili." Aniya at umalis nang tuluyan sa aking harapan. Narinig ko naman ang pagngisi ng babaeng kanina pa maingay kung kaya't bumaling ako sa kanya. Ngumisi siya at itinaas ang kanyang kilay. Napatikhim naman ako, may nararamdaman akong may hindi magandang pakikitungo sa pagitan namin ng binibining ito.  "Tandaan, ang bawat galaw ninyo ay nakikita ko rito." Aniya at napatingin sa isang sulok. Sinundan namin ang direksyon ng kanyang tinitingnan at nahinto sa isang sulok na may nakapaskil na CCTV. "Hindi lang ang mga CCTVs na iyan ang magsisilbing mga mata ko kung hindi ang mga tao na nakapalibot sa inyo at syempre, ang mga sarili ninyo mismo." "Hindi katangi tangi ang babaeng marunong magsinungaling."  May naalala ako sa kanyang tindig at pananalita. Gayon pa man, kailangan kong isaisip kung bakit ako naparito at bakit ang katulad ko ay nakilahok sa patimpalak na ito. Sumilay ang ngiti ng ginang at muling pinagsalikop ang kanyang mga palad. "Pipili ang aming kamahalan sa dalawang binibining matitira sa ika-anim na buwan. Ang maswerteng binibini na kanyang mapipili ay kanyang magiging kabiyak."  Huminga ng malalim ang mga binibining makakasama ko sa iisang mansyon at magiging katunggali. Inihanda nila ang kanilang sarili kung kaya't ganon na rin ang ginawa ko. "Handa na ba ang bawat isa sa inyo?"  Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang malakas na tunog ng tambol at ang pagdilim ng kapaligiran. Namatay ang ilang mula sa maliwanag na chandelier at napalitan ng samu't saring klase ng malilikot na ilaw mula itaas ng terrace.  "Yes, ma'am!" "Opo, maestra!" "Si!" nahuli ako ng pagtugon sa kanya.  Ramdam ko ang titig ng mga kasama kong kahalok sa akin nang dumapo ang tingin ni Maestra Prima sa akin. "I-i mean, Opo Maestra Prima!" agap kong bawi. "Italiana," utas niya at tumango.  Tripleng kaba ang naramdaman ko sa mga oras na iyon nang marinig ko siyang mag komento. Sumagi sa isipan ko kung ano ang pinayo sa akin bago ako pumasok sa ganitong mundo. Walang dapat na makaalam sa totoong pagkatao ko. Tumalikod si Maestra Prima at pumalakpak.  "Kung gayon, simulan na ang patimpalak!" Humarap siya sa amin nang makarating siya sa hagdan. "Sino nga ba ang nakatakdang maikasal kay Oier Goncuenco?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

His Cheating Heart

read
45.5K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
893.0K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Broken Angel

read
4.7K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook