Kabanata VII

1668 Words
BUONG pamamasyal sa mansyon ay mainit ang aking ulo. Wala namang pumapasok sa aking isipan sa mga itinuro ni Maestra Prima sa amin. Sumasang ayon ako tuwing tinatanong niya kung naiintindihan ba namin upang kahit pa paano’y hindi naman ako mapahiya. Nakikisabay lang ako sa bawat pagtugon ng mga binibining kasama ko. Tanghali nang bumalik kami ng mansyon. Nag ku kwentuhan ang mga binibini sa salas at akoy nama’y tumungo sa kusina upang maghanda ng makakain namin. Noong nasa Italya pa ako, hindi ako sanay na walang ginagawa sa ganitong oras. Kadalasan naghahanda ako para sa mga sisters at madre na kakain, kasama ko ang iilang nagtatrabaho sa Monasteryo. Napasinghap ako nang makita si Maestra Prima pagkarating ko. Tinitingnan niya ang mga sangkap na nakalatag sa bar counter. Ang kanyang dalawang braso ay naka ekis sa tapat ng kanyang dibdib at nakapirmi naman na naka taas noo ang kanyang pagsusuri nito. Nakakatakot ang kanyang awra, para siyang gurong nagagalit tuwing may maling sinasagot ang kanyang mga studyante. Nanigas ang aking katawan at unti unting tumalikod para umalis nang hindi pa ako nakakagawa ng isang hakbang ay bigla niya akong tinawag. “Celestine,” aniya sa matigas na tono. Napapikit ako ng mariin at dahan dahang bumaling sa kanya. Kinamot ko ang aking batok at nahihiyang ngumiti. “Ah eh, gusto ko sanang tumulong sa pagluluto.” Ani ko kahit hindi niya naman ako tinanong kung ano ang magiging pakay ko. Dahan dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Ang tunog ng kanyang takong ay umaalingawngaw sa buong kusina. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Masyadong mapusyaw ang iyong kulay.” Komento niya nang pinagsadahan ng kanyang mga mata ang aking balat sa mukha at braso. “Ang iyong kasuotan ay mukhang pinaglumaan ng iyong mga ninuno.”  Pinagsadahan ko rin ng tingin ang aking kasuotan. Mataas na bulaklaking saya na lagpas hanggang tuhod at kulay pulang t-shirt. Sa tingin ko naman, nakakasabay ako sa uso. Nakikita ko ang iilang mga bata ngayon na nagsusuot ng mga saya na ganito rin ang estilo at haba. Pinagtama niyang muli ang aming mga paningin, “Hindi kita ininsulto, Celestine. Nais ko lang ipaalam sa iyo na hindi ganito ang ayos ng mga binibining ibig ni Oier mapangasawa. Mahilig siya sa mga binibining matalino sa larangan ng moda. Katulad nina Santina at Penelope.” Aniya. Pinagsalikop niya ang dalawa niyang palad at tipid na ngumiti. “Hindi naman po saklaw ng pag ibig ang pananamit ng isang tao,” tugon ko sa kanya. Bahagyang tumaglid ang kanyang ulo. “Kahit anong nais suotin ng mga binibini, sa tingin ko po hindi na iyon mapupuna ni Oier kapag natuto siyang magmahal nang totoo.” patuloy ko. Namayani ang katihimikan. Pansin ko ang paninitig naman ng mga serbidora sa akin na pansamantalang natigil nang marinig ako. Sandali kong kinamot ang aking batok at nahihiyang ngumiti, “Ah, sige po. Magbibihis na lang po ako.” Pambawi ko at dali daling pumanhik sa patungo sa hagdan. Natahimik ang mga binibining nagkukwentuhan nang makita ako. Mas lalo kong binilisan ang aking paglalakad hanggang tuluyang makarating sa aking silid.  Binuksan ko ang mga aparador at namili ng magandang kasuotan. Inilagay ko ang aking hintuturo sa ibabang bahagi ng aking labi at malayang nag isip. “Kagaya kay Penelope?” bulong ko sa aking sarili. Kinuha ko ang makintab na kulay gintong dress na medyo hapit sa aking katawan. Ganitong estilo ni Ms. Illuna, iyong parang pupunta sa mataong lugar upang maghanap ng kaaliwan.  Isinuot ko iyon at nagpaganda na rin bago ako tuluyang umalis ng kwarto. Panay hila ko sa baba ng aking saya. Pakiramdam ko kasi makikita ang pribadong parte ng aking katawan. Hindi ako komportable, kahit bago ako pumasok sa pagmamadre, hindi naman ganito ang aking kasuotan. Tumungo ako sa hapag kainan nang makitang kumpleto sila roon. Napatingin sa akin si Penelope at Santina nang umupo ako sa harap nila. Pansin ko ang kanilang pagpipigil ng tawa at bulongan sa isa’t isa. Hindi ko na iyon ininda at nagdasal na lang bago tuluyang kumain. “Nasaan si Maestra Prima?” tanong ni Carmen sa isang serbidorang nagsalin sa kanya ng tubig. “Umalis siya kanina,” tugon naman nito. Tumango na lang si Carmen at nagsimula na ring kumain. Namayani ang katahimikan. Tanging tunog ng kubyertos laman ang tanging bumabasag nito. Maya maya napansin kong umangat ang paningin ni Penelope sa aking plato. Nahinto siya kakakain at hinilig ang dalawang siko sa mesa. “Hindi halatang mayaman ka,” napuna ko rin ang pagtigil ng iba at bumaling sa kanyang direksyon dahil sa kanyang mapurol na pagkakasabi. Ngumisi siya at tiningnan ang aking mukha. “Bakit ka nga pala sumali? Are you one of those bitches sa patay na patay kay Oier dahil Goncuenco siya?” tanong niya sa akin. Nakangiti nang matamis ang kanyang mukha pero kasalungat doon ang kahulugan ng kanyang sinasabi. Ibinaba ko ang tinidor sa plato at sandaling bumaling sa mga binibining nag hihintay sa aking isasagot. “Masyado kang tahimik, tinatago mo lang ata ang totoo mong pagkatao eh.” aniya. Itinaas niya ang kanyang isang kilay at muli akong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Gusto kong pangaralan tungkol sa nakapaloob sa bibilya na ang isang tao ay hindi dapat mamuna kung ano ang nakikita niya sa kanyang kapwa kung hindi niya rin gustong gawin iyon ng iba sa kanya. Kung gaano kataas ang estado nila sa buhay, ganoon din kababa ang kanyang pagkatao’t kaluluwa. Hindi lang dahil takot ako sa kanila kaya mas pinili kong tumahimik at hindi na makipagsagutan, hindi ko tungkulin ang pangaralan ang taong batid naman ang kaibahan ang mali sa tama. “Wag ka ng mangarap na mapangasawa si Oier. First elimination round, mapapatalsik ka naman.” Mahinang tumawa si Santina dahil sa sinabi ni Penelope.  Napa angat ang mukha ko nang may sa isang aninong tumakip sa liwanag ng chandelier. Nakita ko roon si Yael, nakaputing t-shirt na hapit hapit sa kanyang katawan habang hawak hawak ang plato. Si Penelope ay agad ngumiwi nang makita ang kanyang presensya. “Isa pang dukha,” bulong ni Penelope at kumain na lang ulit. “Mawalang galang na mga binibini. Gusto ko lang humingi ng ulam.” Hindi pa sumasang ayon ang bawat sa isa amin ay kumuha na siya gamit ang kanyang kamay.  Mas lalong nasira ang mukha ni Penelope at napatingin na lamang sa kanya. “Hindi mo ba nakita ang service spoon?” naiinis na aniya. “Ah, ganon ba,” tugon ni Yael. Parehong kamay ang ginamit niya sa ulam at sa pag hawak ng serving spoon.  Napahawak sa kanyang sentido si Penelope at problemadong umiling nang binitiwan ni Yale ang serving spoon. Narinig ko naman ang pag ngisi ni Yael bago tuluyang umalis.  “Kukuha na lang ako ng bago,” mungkahi ko at dali daling tumayo. Bumaling ako kay Yael na hindi pa tuluyang nakakaalis. Napatingin lang siya sa akin habang ngumunguya ng kanyang kinakain. Pagbalik ko sa aking upuan ay inilagay ko ang bagong serving spoon sa ulam ngunit napansin ko ang pagkawala ng gana ni Penelope. Pinaglalaruan niya lang ang kanyang pagkain sa pinggan nang umangat ang kanyang mukha ay tumama ito sa akin. “Hindi ka ba nandidiri?” tanong niya sa akin na para bang hinihikayat niya akong mandiri sa ginawa ni Yael.  Umiling naman ako. Sa mga children charity, may mga batang kamay ang ginagamit pang kain at hindi ang mga kubyertos. Nasanay na ang mga mata kong makakita ng ganon. Ngumisi naman si Penelope at napailing, “kung sabagay baka ganito ka rin sa pamamahay ninyo.” Aniya sa tonong nang aakusa. “Penelope,” saway sa kanya ni Carmen.  Napatingin siya rito at pumalumbaba sa mesa. Napansin ko ang paninitig ni Yael sa akin na nasa likuran ng kusina lamang. Tuwing nagtatama ang paningin naming dalawa ay agad siyang bumabaling sa kanyang kinakain na wari umiiwas. “Tama ba ako, Celestine?” muling tanong sa akin ni Penelope. Inilapag ko ang walang lamang basong tubig pagkatapos kong mainom lahat. “Hindi mo na dapat ako inalaala, Penelope.” lakas loob kong tugon sa kanya. Bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan ng pananagot sa kanya. Makapangyarihan ang kanyang lahi, maaari akong mapatalsik. “Hindi ba dapat mas inaalala mo ang sarili mo?” patuloy ko ang bumaba ang aking paningin sa kanyang kamay na nakapalumbaba sa harap ng pagkain. Tumaas naman ang kanyang kilay, “Nothing’s wrong with me.” Nakangusong tugon niya. Huminga ako nang malalim, “Masamang paglaruan ang pagkain, hindi rin maganda ang pagtukod ng siko sa hapag kainan at mas lalong hindi magandang pumalumbaba sa harap ng nakahain.” Tugon ko. Sa giliran ng aking mga mata, napuna ko ang pagtigil nila. Hindi nila alam ang mga makalumang pag uugali na ito?  Narinig ko naman ang pag sang ayon ni Miko, “Tama si Celestine. Siguradong hindi magugustuhan ni Maestra Prima ang mga ginagawa mo.” mahinahon ngunit may puntong aniya. Sumilip ako sa kusina. Nagpipigil ng pagngiti si Yael habang ninanamnam ang kanyang kinakain o nagkakamali lang ako dahil natural nang nakangiti ang kanyang mga mata. Dali daling inalis ni Penelope ang kanyang siko at inubos ang nasa plato. Hindi nagtagal ay nauna na akong umalis doon.  PUMATAK ang alas syete ng gabi.  Ang mga binibini ang nasa kanyang kanyang kwarto habang ako nama’y pinili kong mamasyala muna sa labas ng mansyon. Pilit kong inaalala ang mga itinuro sa amin ni Maestra Prima, ngunit ni isa’y wala man lang sumagi sa aking isipan.  Napayakap ako sa aking sarili nang umihip ang malamig na simoy ng hangin. Ang aking nakalugay na buhok ay sandaling sumayaw. Sinubukan kong hanapin ang stilettos na aking suot noong unang gabi ko rito sa mansyon.  Hinawakan ko ang pader upang hindi maligaw kung sakaling makalimutan ko ang daan pabalik ng mansyon. Madilim talaga ang parteng ito at kung hindi dahil sa kulay kahel na ilaw mula sa mga poste ay baka kanina pa ako nadulas o nadapa sa tinatahak ko. Napansin ko ang wishing well at ang isang pahirabang upuang kahoy sa tapat ng mga taniman ng iba’t ibang kulay ng bulaklak. May isang poste ng ilaw sa giliran nito.  Nakaramdam ako ng takot nang may isang postura ng isang lalake nakaupo sa dulo. Buong akala ko’y isang multo. Nakasuot siya ng itim na tuxedo, naka de kwarto naman ang estilo ng kanyang pang upo. Lumuwa ang mga mata ko sa gulat nang makita sa kanyang giliran ang stilettos na aking sadya kung bakit ako naparito.  “Ito ang hinahanap mo, hindi ba?” tanong niya sa baritonong boses habang nanatiling nakatalikod sa aking direksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD