Kabanata VIII

1927 Words
“Ito ang hinahanap mo, hindi ba?”  Bumaling siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon. Nakasuot pa rin siya ng kanyang maskara. Pinagsalikop ko ang aking dalawang kamay at lakas loob na lumapit sa kanya. “S-salamat,” nahihiyang ani ko at saka ko kinuha ang stilettos. Kumikinang ang repleksyon nito tuwing natatamaan ng liwanag mula sa poste ng ilaw.  Aalis na sana ako sa takot na baka naalala niya ang tungkol sa misyon ko sa pagpunta rito at hindi nga ako nagkakamali. “Aalis ka na ba agad? Hindi mo ba sasabihin kung ano ang misyon mo?” tanong niya. Natigilan ako at unti unting bumaling muli sa kanya. Nakalingon ang kanyang ulo habang nakasulyap sa akin. Hindi naman ako nagsalita. Kinamot ko ang likuran ng aking batok dahil wala akong mahanap na maaaring isasagot sa kanya. Bumaling siya muli sa mga bulaklak na nasa kanyang harapan at huminga nang malalim.  “Hindi kita pipilitin kung hindi mo sasabihin sa akin.” Aniya at muling lumingon na nakangiti sa akin. “Sariwa ang hangin dito, ba’t di ka umupo muna?” Ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng aking puso sa mga oras na iyon. Nakakahiya kung hindi ko pa paunlakan ang kanyang imbitasyon at mukhang isa na itong magandang hakbang upang makuha ang loob niya. Bakit nga ba kailangan ko pang matakot at mahiya kung nakahain na sa aking harapan ang aking sadya kung bakit ako naparito? Umupo ako sa tabi niya. Dalawang taong distansya ang pagitan naming dalawa. Napatingin naman siya sa akin. Maganda ang kanyang mga mata sa likod ng maskarang suot. Ano kaya ang hitsura niya pag tinanggal ang maskarang ‘yan? Namayani ang katahimikan ilang sandali. Binasag ko ito nang lapastangan ko siyang binigyan ng katanungan. “Dito ka lang ba nakatira?”  “Oo, binabantayan ko ang galaw ninyo.” Tugon niya. Napasinghap ako dahilan ng kanyang pag ngisi. “Malalagot ka pag nalaman ni Maestra Prima na wala sa kwarto mo.” Tonong pananakot ang kanyang boses. “Nakabalik na sana ako ng kwarto ngayong kung hindi mo ako pinigilan.” Tugon ko sa kanya. Napansin ko ang kanyang pag ngiti, nakalabas lahat ang kumpleto niyang ngipin doon. “Nakabalik na sana sa loob kung tumanggi ka sa akin,” sandali kaming nagkatitigan. Humarap ako nang tuluyan sa kanya, “Edi sana hindi mo na pala ako tinawag. Sige, aalis na ako.”  “Teka, sandali…” Akmang tatayo ako nang muli niya akong pinigilan. “Oh, kita mo na.” Itinapat ko sa aking noo ang aking hintuturo at umiling. “Naiinip lang marahi sa kwarto mo kung kaya’t naisipan mong makipag usap sa akin.” Patuloy kong tanong. Naririnig ko ang kanyang pag ngisi. Hindi ko alam kung saan siya nasisiyahan kung wala namang nakakaliw sa aking sinasabi. “Ikaw itong nag umpisang makipag usap sa akin.” aniya. Ngumuso ako. Hindi na maalis alis ang mga titig ko sa kanya. “Hindi naman ako makikipag usap kung hindi mo pinigilang umalis.” tugon ko sa kanya.  “Ganyan ka ba talaga? Bakit mahilig ka makipag sagutan pero napakatahimik mo kapag kasama ang mga katunggali sa loob.” Aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. “Nakikita mo ako?” hindi makapaniwalang tanong ko. “Hindi ba nasabi ko na binabantayan ko ang mga galaw ninyo? Nakikita ko sa CCTVs,”  wika niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. Bigla akong kinabahan at baka mahuli akong lumabas ng mansyon ngayong gabi. Narinig ko ang muling pag ngisi ni Oier, “Walang nakapaskil na CCTV dito. Hindi ka mahuhuli, wag kang mag-alala.” aniya.  Itinapat ko ang aking palad sa aking dibdib at huminga nang maluwag. “Buong akala ko katapusan ko na,” mahina kong ani. Nakayuko siyang ngumisi at umiling.  Ipinatong niya ang kanyang braso sa sandalan ng parihabang upuan. Napansin kong ilang pulgada lang ang layo nito sa aking balikat kung kaya’t ako bahagya akong umurong papalayo sa kanya.  Tumikhim ako, “Hindi ka ba napapagod kakasuot ng maskara?” dinala ako ng aking kuryusidad sa madalas niyang pagsusuot nito. “Hindi mo sinasagot ang katanungan ko.” Hindi niya sinagot ang aking katanungan. Bumagsak ang balikat ko at humilig sa sandalan ng upuan. “Nahihiya ako sa kanila,” ani ko naman. Pinagmasdan ko ang taniman ng bulaklak sa aming harapan. May ganito sa italya, iba’t iba ang kulay na tumutubo apat na beses sa isang taon. Napansin ko sa giliran ng aking mata na sumulyap siya sa aking direksyon. Napayuko ako at nilaro na lamang ang aking stilettos. “Pakiramdam ko hindi ako nabibilang sa kanila. Pakiramdam ko rin, hindi nila hinahayaan ang kanilang mga sarili na makipaghalubilo sa mga katulad ko.”  “Masyado mo naman ata minamaliit ang sarili mo. Heiress ka ng Zhao Empire, hindi ba?” sagot niya. Nanlaki muli ang mga mata ko sa gulat nang napagtanto kung ano ang aking mga sinabi. Muntik ko nang ipahayag ang tunay kong pagkatao nang madulas ang aking dila.  Nahihiya akong ngumiti sa kanya at kinamot ang aking batok. Nakatitig lang siya ng seryoso sa aking mga mukha na para bang hinahanapan ako ng butas. “Uh, hindi kasi ko sanay makipaghalubilo sa mga mayayaman. Madalas akong makipagkaibigan sa mga simple lang.” patuloy ko. Mga mapagmataas na mga uri ng mga tao ang mga kahinaan ko. Mga kagaya ni Oier, pero sa tingin ko, kakaiba si Oier sa kanila. Hindi ko pa masyadong batid, hindi ko pa siya lubos na nakikilala. Hindi siya tumugon. Nanatili siyang nakatitig sa akin, palipat lipat naman ang kanyang paningin sa dalawang kong mata. Hindi alam kung saan i pi pirmi. Tumagal ng ilang segundo o mahigit isang minuto ang kaniyang paninitig sa akin. Parang gusto ko na lang maihi sa aking posisyon at ako na lamang itong umiiwas upang hindi magtama ang paningin naming dalawa. Ilang sandaling pananahimik niya’y narinig ko ang pag hinga niya nang malalim. “Bakit mo natanong kung madalas akong magsuot ng maskara? Gusto mo na bang makita ang mukha ko?” tanong niya. Umiling ako pero agad ding binawi nang tumango ako. “Lahat naman ng mga binibini rito gustong makita ang hitsura mo.” tugon ko. “Kung mananalo ka, magsasawa ka kakatingin sa mukha ko.”  “Bakit naman?” “Malamang titira tayo ng isang bahay at bubuo tayo ng sariling pamilya. May nakita ka bang mag asawang hindi nagsasama sa iisang tahanan?” sumilay ang bahagyang pagngiti niya sa labi. Muling tumibok nang mabilis ang puso ko. Bahagya ko ring nakalimutan ang layunin kung bakit nagkaroon ng ganitong patimpalak, ito ay para hanapin ang isa sa amin na mapapangasawa si Oier. “Maswerte ang binibining mapipili mo, Ginoo.” Pero nais kong makilala mo ang tunay mong ina bago ka bumuo ng sarili mong pamilya. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya ngayon ito ay walang pagdadalawang isip na gagawin ko. “Bakit parang binibigay mo sa iba ang tsansa mong manalo?”  Napasinghap ako at umiling. Bakit ko ba sinabi iyon sa kanya? Isa sa mga turo sa amin ni Maestra Prima na magpakita ng ka pursigiduhan kung gustong mapili ni Oier. “Ah hindi naman. Nagbabakasali lang ako, hindi natin alam ang mangyayari sa hinaharap.” nangangalay ang pag angat ng dulo ng aking labi dahilan ng kaunting panginginig nito. “Humble,” tumango siya habang nakahalukipkip.  Hindi na ako muling nagsalita at baka may masabi na naman siya na hindi ko agad matugunan. Maswerte pa rin ako dahil hindi niya ako pinilit na ipahayag sa kanya ang aking mission. Siguradong mabibigo si Ms. Illuna pag nalaman niya ang agarang pagpapatalsik sa akin dito. Bumaling ako sa malaking orasan na nakapaskil lamang sa aming likuran. Malapit ng mag alas otso at ilang segundo na lang ay tutunog na ang curfew hour.  “Parati ka bang nagpapahangin ng ganitong oras dito, Ginoo?” tanong ko sa kanya. Tumayo ako at inayos ang aking damit na bahagyang pumaitaas ang saya. Bumaling siya sa akin at napansin ko ang pag angat ng kanyang kilay. “Bakit mo natanong?” Napatalon ako sa gulat nang tumunog nang tuluyan ang alarm. Bago ako makasagot ay dali dali na akong tumakbo patungo sa loob ng mansyon. Narinig ko ang balitang nila-lock ng mga serbidora ang mga pinto pagkatapos ng alarm. Kapag hindi ako nagmadali, ay baka sa labas na nga ako magpapalipas ng gabi. Nahagip ng paningin ko sa labas ng bintana si Oier. Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang magkabilang bulsa habang nakatingin lamang sa pinto kung saan ako pumasok. Malakas ang pintig ng puso ko at hindi ko alam kung para saan. Marahil dala ng mabilis na pagtakbo. Pinutol ko na ang aking paningin sa kanyang direksyon at tuluyang tumungo sa aking kwarto. ISANG malakas na tunog ng sipol ang pumukaw sa aking mahimbing na pagkakatulog. Napapikit ako nang tumama ang takas ng liwanag ng araw mula sa bintana. Dali dali akong bumangon at nag ayos. Hindi ko alam ang isusuot kung kaya’t hinablot ko na lamang ang isang saya na ang haba ay hanggang sahig ang aking napili at blouse na hapit sa aking katawan.  Dali daling bumaba ng hagdan nang makita ang mga kasama ko na nakatayo sa unang palapag at sa harap ni Maestra Prima. Narinig ko ang pag tawa ni Penelope nang makita ako at tumabi sa kaibigan niyang si Santina. “Ang pangit naman,” alam kong tungkol sa akin ang komento ni Penelope. Hindi ko siya tinugunan at kahit sinulyapan man lang. Sa halip, narinig iyon ni Maestra Prima. Lumapit siya kay Penelope at bahagyang sinundut sa kanyang braso ang hawak nitong abaniko na nakasara. Natigilan si Penelope nang mahagilap ng kanyang paningin ang seryosong mukha ni Maestra Prima sa kanya. “Hindi basehan ng kagandahan ang panlabas na anyo. Marami akong kakilalang may busilak na kalooban na pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan.” Nakangiting pahayag sa kanya ni Maestra Prima. Yumuko naman si Penelope at pinaglaruan na lamang ang kanyang matataas na kuko. Pinagsadahan siya ng tingin ni Maestra Prima mula ulo hanggang paa nang nakaangat ang noo nito. Bumalik siya sa kanyang pwesto at nilagay sa likuran ang dalawa niyang kamay. “Ladies, limang araw na lang ang natitira at mag pe pebrero na. Ibig sabihin, magaganap na iyong unang elimination round.” Rinig ko ang bawat pag singhap bilang reaksyon sa anunsyo ni Maestra Prima.  “Teka, ang bilis naman po ata.” Komento ni Santina. Ngumisi siya at umiling, “Hindi naman habambuhay ang pananatili niyo rito, mga binibini. Mabilis naman talaga ang anim na buwan. Magugulat na lang kayo isang umaga pagkagising niyo, isa isa na kayong nawawala sa mansyon na ito.” Aniya. Kung gayon, kailangan ko ring bilisan ang aking misyon.  “Pero maestra, ni hindi pa po namin nakikita si Oier.” Ani naman ni Penelope.  Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ako lang pala itong nakakita sa kanya at kagabi lang, ilang minuto kaming nag kwentuhan. Hindi ko sasabihin iyon sa kanila, mananatiling lihim ang tungkol sa aming pagkikita lalo na’t pribado ang buhay ni Oier. Alam kong pinoprotektahan niya lang ang kanyang sarili kung bakit kailangan niyang magsuot ng maskara.  Nahagilap ng aking paningin ang kararating na si Yael. Nakatayo siya sa likuran ng mga naka unipormeng serbidora. Nakangisi siya sa akin nang magtama ang paningin naming dalawa kung kaya’t agad akong umiwas. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pag ngisi, sa kasuotan ko rin kaya? “Ano po ang una naming gagawin?” tanong ko sa kanya. Napangiti siya at binuksan ang kanyang abanikong dala. Ipinaypay niya iyon sa kanyang sarili. “Magandang katanungan, Celestine.” Sa giliran ng aking mga mata napansin ko ang pagbaling ni Penelope sa akin na para bang hindi niya nagustuhan ang mag pupuri ni Maestra Prima sa akin.  “Alam kong isa sa inyo ay pamilyar sa kasabihang ‘the best way to a man’s heart is through his stomach’,” aniya. Samu’t saring reaksyon ang aking narinig mula sa mga binibini sa aking tabi. “Ibig sabihin po ba ay magluluto kami?” tanong naman ni Miko sa kanya. Bahagyang tumango si Maestra Prima. Taas noo itong naglakad sa aming harapan. “Magluluto kayo para kay Oier. Siya rin ang magdidikta kung sino ang pananatilihin niya at sino ang patatalsikin.” Wika ni Maestra Prima. Samu’t saring narinig kong reaksyon mula sa kanila. Ang mas nakahihigit doon ay ang hindi nila pagsang ayon. Palihim naman akong napangiti. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD